Balita

Osmeña: SONA ni PNoy, pang-amateur

- Leonel Abasola

Ikinumpara ni Senator Sergio Osmeña III sa isang estudyante sa kolehiyo ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong nakaraang linggo.

Ayon kay Osmeña, dapat na tumagal ng hindi hihigit sa 40 minuto lang ang SONA ng Pangulo upang talakayin nang punto-por-punto ang mga nagawa nito para sa sambayanan sa nakalipas na isang taon.

“Sophomoric, parang college na second year high. Napakahaba, ngayon ko lang napanood,” pahayag ni Osmeña.

Inilarawan din ng senador ang talumpati ng Punong Ehekutibo na “manipis, tulad ng buhok ni Aquino.”

“Sino man ang nag-draft ng mensahe na ‘yan ay talagang nakapa-amateur ang pagkakagaw­a,” sinabi ni Osmeña sa panayam ng Radyo DZBB.

Aniya, hindi man lang nabanggit ang brutal na pagkakapat­ay sa 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force ( PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindana­o noong Enero 25, at maging ang lumalalang problema sa transporta­syon.

“His government is a student government because of his incompeten­ce.

Kasi hina-hire niya ang mga kaklase n’ya. Ano ba naman ito, he was elected by 50 million voters, hindi sinabi ng 50 million voters na we are electing you and your classmates,” batikos ng senador.

Aniya, sa limang taon na panunungku­lan ni Aquino ay mas marami ang kapalpakan at malabo rin itong makabawi pa.

“Bibigyan ko siya ng score na ‘D’ as in ‘dog’. But in certain areas like his integrity, bibigyan ko siya ng ‘A’. Ngunit ang mahirap, nalalaman ng taumbayan na ang nakapaligi­d sa kanya ay mga corrupt. Idinedepen­sa pa niya, hindi pinalalaba­s ang mga kabahuan nila,” dagdag pa ni Osmeña.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines