Balita

Silang patok sa Bekinese… bongga!

- Ni Airamae Guerrero

Mayroong higit 100 na diyalekto ang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, kaya naman tuwing Agosto ay ginugunita ng mga Pinoy ang Buwan ng Wika. At dahil likas na sumusulong ang wikang Pinoy, umuusbong ngayon ang mga panibagong lengguwahe, gaya ng gay lingo, na palasak na rin sa mga Pilipino.

Marami na ang gumagamit ng gay lingo o “bekinese” sa karaniwang pakikipag-usap, at para mas nakakaaliw ay gumagamit ang bekinese ng mga pangalan ng mga kilalang personalid­ad para ipakahulug­an sa iba’t ibang salita.

Madalas na naririnig sa mga beki ang salitang Tom Jones. Hindi dahil idolo nila si Tom Jones, pero paraan nila ito para ipahayag na sila ay gutom o nagugutom. Ginagamit din ang Carmi Martin para sabihing karma, Chuckie Dreyfus, na nangangahu­lugang pangit (chaka), pati si Luz Valdez para sabihing talo (lose) o nawawala (lost). Damay din si Gellie de Belen, para ihayag ang selos (jelling, jealous).

Para sa salitang maaga, nababanggi­t si Aga Muhlach; Rita Avila para magpahiwat­ig ng pagkairita o inis; Chanda Romero para tukuyin ang tiyan; at Julanis Morisette kapag umuulan. At kung may guwapo sa likuran ng kausap, tumili lang ng Backstreet Boys!

Indiana Jones (nang-indyan) ang tawag kapag hindi sumipot sa usapan; Julie Andres kapag nahuli; Purita Kalaw Ledesma para tukuyin ang mahirap (poor); Rica Paralejo naman kapag mayaman (rich); at Yayo Aguila kapag diyahe.

Hindi rin nakalagpas sina Sunshine Dizon, na ibig sabihin ay umaga na; Cookie Chua, para sabihing magluto (cook); Zsa Zsa Padilla, na ang ibig sabihin ay “O, siya, sige!”; at Lydia de Vega, na nangangahu­lugang takbo.

Naging laganap na ang gay lingo sa ating bansa. Katunayan, mayroon na itong sariling diksyunary­o na tinatawag na bekitionar­y o beksiyunar­yo. Mayroon din itong Facebook page, ang Bekimon, na umabot na sa 35,000 ang likes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines