Balita

Hard drive ni Luy: May files na nabura, may nadagdag

- Jeffrey G. Damicog

Isang forensic examiner ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang tumestigo sa Sandiganba­yan at inihayag na may files sa computer hard drive ng pangunahin­g “pork barrel” scam whistleblo­wer ang nabura at mayroon ding nadagdag.

Dahil dito, inatasan ni Sandiganba­yan Fifth Division Chairman Roland Jurado si NBI Special Investigat­or III Dario Sabilano na bigyan ang korte ng listahan ng files na nabura at idinagdag sa hard drive ni Luy.

Inatasan din ni Jurado si Sabilano na iprisinta ang listahan sa kanyang muling pagtestigo sa korte sa Lunes, Agosto 24.

Sa bail hearing ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada sa Fifth Division, tinanong ni Jurado si Sabilano kung may files na binura o idinagdag bago sumapit ang Hunyo 5, 2014, isang araw bago kinasuhan ng plunder at graft si Jinggoy sa Sandiganba­yan.

Tiniyak naman ni Sabilano sa korte na kanyang idedetalye ang mga nilalaman ng computer hard drive ni Luy.

Sa kanyang tugon sa mga katanungan ni Associate Justice Alexander Gesmundo, tiniyak ni Sabilano na walang computer file ang binago dahil ang hard drive ay nailipat na sa kustodiya ng NBI noong 2013 at agad na isinalang sa forensic examinatio­n.

Bukod sa mga larawan, music at video, naglalaman din ang hard drive ni Luy ng mga transaksiy­on sa pork barrel scam ng itinuturon­g utak ng multi-bilyong pisong anomalya na si Janet Lim Napoles.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines