Balita

MMDA emergency storage vans, ipakakalat sa West Valley Fault

- Anna Liza Villas-Alavaren

Nagsimula nang iposisyon ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang karagdagan­g 20 container van na gagamiting emergency at rescue command post sa mga lugar na dinadaanan ng West Valley Fault.

Tatawaging Disaster Response Equipment Filled Storage Unit (DREFSU), ang bawat container van ay naglalaman ng 56 tools at personal safety equipment na magagamit sa pag-rescue sa mga naipit at gumuhong istruktura matapos ang isang malakas na lindol.

Naglalaman ang mga bagong van ng tools tulad ng screw driver, pliers, martilyo, claw bar, pala, hacksaw at bolt cutter.

Kumpleto rin ang mga ito sa mga tent, hard hat, safety goggles, raincoat at first aid kit na may medisina at lalagyan ng tubig.

Kabilang sa mga lugar na roon ipoposisyo­n ang mga DREFSU van ay ang Marikina City, Quezon City, Pasig City, Taguig City, Parañaque City, at Muntinlupa City, na pawang dinadaanan ng West Valley Fault.

Una nang nagpakalat ang MMDA ng 22 insulated van sa EDSA corner Roxas Blvd., EDSA-Ortigas Avenue, Balintawak-- Cloverleaf, at Tandang Sora Avenue sa Quezon City; Navotas; Valenzuela; at Abad Santos at Nagtahan sa Maynila.

Batay sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS), isang pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs) kasama ang Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA) at MMDA, aabot sa 33,500 katao ang pinanganga­mbahang mamamatay kung tatama sa Metro Manila ang magnitude 7.2 quake na tinagurian­g “The Big One.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines