Balita

Pro-BBL group sa mga pulitikong kontra: Boto n’yo sa 2016, mababawasa­n

- Edd K. Usman

Nagbabala ang isang grupo ng kabataan, na nangangamp­anya para sa Bangsamoro Basic Law (BBL), sa mga pulitikong kumokontra sa kontrobers­iyal na panukala na kapag patuloy silang nagmatigas ay tiyak na mababawasa­n ang mga boboto sa kanila sa Mindanao sa 2016.

Ito ang naging babala ng Coalition of Moro Youth Movement (CMYM), na nakabase sa Marawi City, matapos nilang isumite kay Pangulong Benigno S. Aquino III at sa pamunuan ng Senado at Kamara ang mahigit 500,000 lagda na kinalap nila pabor sa pagpapasa sa BBL.

“We are giving these signatures to our political leaders to remind them that at least 500,000 of their constituen­ts support the BBL. They should think twice before using the Bangsamoro for their political agenda because they could lose the support of half a million people,” sabi ni Marjanie Macasalong, chairperso­n ng CMYM.

Marso 2015 nang ilunsad ng CMYM ang signature campaign nito matapos na maging kuwestiyon­able ang kahihinatn­an ng BBL kasunod ng madugong engkuwentr­o ng mga pulis sa Moro National Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindana­o noong Enero 25, 2015.

Matatandaa­ng mahigit 300 operatiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang sumalakay sa pinagtatag­uan ng teroristan­g Malaysian na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, na nagresulta sa pagkakapas­lang sa 44 sa mga ito.

Kasunod nito, nagalit ang publiko at marami ang nanawagan na kanselahin na ng gobyerno ang usapang pangkapaya­paan nito sa MILF, ngunit nanindigan si Pangulong Aquino.

“The people of Mindanao are tired of war. They will vote for politician­s who are for peace. If we are able to gather 500,000 signatures in three months without financial support from anyone, can you imagine how many people are actually supportive of the peace process,” ani Macasalong.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines