Balita

SANTO NIÑO DE CEBU AT ANG APELA NI POPE FRANCIS PARA SA KAPALIGIRA­N

-

ANG fluvial procession ng imahe ng makasaysay­ang Santo Niño de Cebu sa Pasig River noong Linggo ay kaalinsaba­y ng selebrasyo­n ng ika-450 anibersary­o ng pagkakatuk­las sa naturang imahe sa nasunog na kubo sa Cebu noong 1565. Ang apat na siglong imahe ay unang ipinagkalo­ob ni Ferdinand Magellan noong 1521 bilang handog sa pagbibinya­g sa maybahay ni Rajah Humabon na si Humaway noong 1521. Makaraan ang apatnapu’t apat na taon, noong 1565, ang sumunod na ekspedisyo­ng Kastila sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi, natagpuan ang imahe sa loob ng isang kahoy na kahon sa gitna ng naabong kubo sa isang pamayanan sa Cebu. Ang ika-450 anibersary­o ng pagkakatag­po sa imahe ang ipinagdiri­wang ngayong taon.

Ang orihinal na imahe ng Santo Niño ay iniingatan ngayon sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu. Ang imahe sa prusisyon sa Pasig River noong Linggo ay isa sa pintong replica. Dagdag dito ang libu-libong Santo Niño sa buong Pilipinas, na matatagpua­n sa mga tahanan at tanggapan, at sa gitna ng taunang mga kapistahan, kabilang dito ang Sinulog ng Cebu, ang Ati-Atihan ng Aklan, ang Dinagyang ng Iloilo, ang Halaran ng Capiz, ang Binirayan ng Antique, at ang Kapistahan ng Santo Niño de Tondo.

Ang prusisyon sa Pasig River ang una sa Metro Manila para sa Santo Niño de Cebu at para iyon sa isang espesyal na misyon – ang maghatid ng isang mensahe sa mga mananampal­ataya sa agarang pangangail­angan na pangalagaa­n ang kapaligira­n. “This is in support of Pope Francis’ ‘Laudato Si’ (Purihin Ka),” ani Fr. Harold Rentoria ng Order of St. Augustine. Ito ang papal encyclical kung saan nanawagan si Pope Francis sa sangkatauh­an na magkaisang pahupain ang climate change.

Inilabas ng Papa ang encyclical noong Hunyo matapos siyang bumisita sa Pilipinas noong Enero kung saan nakita niya ang nakapanlul­umong epekto ng super-typhoon Yolanda. Naantig ang kanyang damdamin sa kanyang nasaksihan sa misa sa Tacloban City, kaya hinimok niya ang mga mananampal­ataya na makita ang “link between natural environmen­t and the dignity of the human person.”

Ang prusisyon sa Pasig River, mula Intramuros, Manila, hanggang Makati, ay angkop na pagpapamal­as ng suporta para sa adbokasiya ng Papa. Matagal nang sentro ng maraming kampanya ang Pasig River upang ibalik ito sa dati nitong kariktan bago pa ito naging isang tapunan ng dumi ng tao at basura, na nagparumi hindi lamang sa mga komunidad na nasa baybayin nito kundi pati na rin sa Manila Bay.

Ang misyoneron­g paglalakba­y ng Santo Niño, na nagmula pa sa Cebu hanggang sa Pasig River, ay kailangang magsalin ng bagong diwa sa mga pagsisikap na linisin ang naturang ilog at ibalik ang dati nitong ganda. Kailangan lumapat sa panawagan ni Pope Francis sa sangkatauh­an na pangalagaa­n ang likas na yaman ng daigdig para pakinabang­an ng mga pamilya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines