Balita

NAPANGANGA

- Celo Lagmay

SA pansamanta­lang pagpapalay­a kay Senador Juan Ponce Enrile, hindi natin tatangkain­g salangin ang mga merito at kadahilana­ng nakasaad sa desisyon ng Supreme Court. Manapa, nais na lamang nating makiisa sa kagalakang nadadama ngayon ng kanyang pamilya bunga ng maingat na pagpapasya ng Supreme Court ( SC).

Gayunman, hindi maiiwasan na dahil sa nabanggit na pangyayari, napanganga ang ilang sektor ng sambayanan, lalo na ang mismong nasasakdal sa iba’t ibang asunto. Pati ang ilang preso na labis- labis na ang bilang ng taon na dapat nilang itigil sa mga bilangguan, ay tiyak na napanganga rin.

Ang mga ito, kabilang na ang ilang nagdurusa sa ibang detention centers ng Philippine National Police ( PNP) ay matagal na ring naghahanga­d na makapagpiy­ansa para sa kanilang pansamanta­lang kalayaan. Katunayan, ang ilang bilanggo na matagal nang nagtitiis sa iba’t ibang karamdaman ay dapat na ring makapagpag­aling sa kani- kanilang mga tahanan o sa mga ospital; ang ilan sa kanila na labis na ang katandaan at nakapagpam­alas na rin ng good conduct samantalan­g sila ay nakakulong, ay hinog na rin umano upang sila ay mabigyan ng executive clemency o pardon.

Maging ang mga akusado sa pandarambo­ng ng salapi ng bayan na bunsod ng kasumpa- sumpang PDAF at DAP ay tiyak na ginulantan­g din ng naturang desisyon ng hukuman. Paulit- ulit na rin ang paghaharap nila ng mga kahilingan upang makapagpiy­ansa at pansamanta­lang makalaya. Patuloy nilang hinahanap ang mga kadahilana­n: Mahina kaya ang kanilang depensa? Kulang kaya ang paghahanda ng kani- kanilang mga abogado? May mga nagpapabig­at kaya upang lalong pabigatin ang kanilang mga asunto? Biktima kaya sila ng paghihigan­ti at intriga? Hindi kaya pantay ang paggulong ng katarungan?

Anuman ang sabihin ng sinuman, ang pagpapasya sa alinmang asunto ay nakaatang sa balikat ng mga hukuman. Ang pansamanta­lang paglaya ni Enrile ay desisyon ng SC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines