Balita

MAGTRABAHO NAMAN PO KAYO

- Eddie Damian

MISSING YOU ● Ibinoto natin ang mga kinatawan ng ating distrito sapagkat naniwala tayo sa kakayahan nilang bigyan ng tinig ang mga mithiin ng kanilang nasasakupa­n. Ang iba sa atin naman ay nagpabola kanilang busilak na plataporma kung kaya ibinoto nila ang mga pulitikong kakatawan sa kanila sa Kamara. Ngunit sa kung anong kadahilana­ng, ang ilan sa mga kongresist­a na ngayon ang hindi umaappear sa mga sesyon. Opo, madalas po silang absent. Kaya naman gusto ni Rep. Elpidio Barzaga ng Dasmariñas City na magpatupad ng shame campaign para sa mga mahilig lumiban sa mga sesyon upang maudyukan ang mga ito na dumalo sa mga sesyon at tuparin ang kanilang mga tungkulin. May mga panawagan na kasi na ibulgar ang mga pangalan ng mga kongresist­ang hindi nag-e-effort sa kanilang mga tungkulin sa plenaryo at hindi dumadalo sa mga sesyon. Ani Barzaga, mainam na ilabas sa mga pahayagan ang pangalan ng mga absenerong mambabatas araw-araw para sa kabatiran ng ating mga kababayan na waring nagsasabin­g “Ito ang inyong ibinoto, absent na naman.” Sa ganitong paraan, mapipilita­n ang pinangalan­an na dumalo sa mga sesyon. Mula Lunes hanggang Miyerkules lamang ang mga sesyon kaya walang dahilan upang hindi makadalo ang mga kongresist­a, sapagkat inilalaan ang Huwebes at Biyernes para sa pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang probinsiya upang gampanan ang kanikanila­ng trabaho sa distrito. Nitong nakaraang ilang linggo, madalas na walang quorum ang Kamara kaya hindi umuusad ang ilang mahahalaga­ng batas. Kung magka-quorum man, sandali lang ang talakan at nagsisiali­san na. At ang numero unong absenero ay si...

*** MALIWANAG DAW ● May napabalita­ng hindi raw magba-brownout sa araw ng eleksiyon. Tiniyak daw ito ng Department of Energy (DOE) sa Kamara sa harap ng kabi-kabilang problema sa supply ng elektrisid­ad sa bansa. Sabi ni House energy committee chairman Rep. Reynaldo Umali, may mga planta ng elektrisid­ad na inaasahang papasok sa mga power grid sa Nobyembre hanggang sa first quarter ng 2016. Pero napakalayo pa ng Mayo 2016 at maaaring mangyari ang power failure sa araw mismo ng halalan. Nagdaan na tayo sa ganoong mga eksena noon. Sana maging maliwanag sa araw ng botohan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines