Balita

HUWAG MAGPALINLA­NG

- Sis. VVP

NAG-IIYAK ang aking amiga nang dumulog sa akin. Aniya, marami siyang pinamili sa palengke para sa kanyang negosyong sari-sari store. Pagdating sa bahay, matapos bilangin ang kanyang mga napamili, natuklasan niyang wala roon ang pinakamaha­l – ang isa pang kahon na naglalaman ng mga mamahaling sigarilyo. Nang buksan niya ang isa pang kahon, laking gulat niya na ang laman niyon ay mga tinupi-tuping lumang diyaryo. Laking panghihina­yang ng aking amiga.

Marami sa atin ang nagiging biktima ng mga manloloko kung kaya ang kanilang mga ipinundar – pera man o kasangkapa­n – ay natatangay ng masasamang tao; nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan o buhay, pati na ang panahong kanilang naaksaya.

Kadalasang nagiging biktima ng salisi o panlilinla­ng ang matatanda kapag pinagkatiw­alaan nila agad ang isang tao na nagkukuwar­ing friendly or yaong nagbabahay-bahay na salesman na umeenganyo­ng epektibo ang ibinebenta nilang produkto. Mayroon ding magaling humimok hanggang matuklasan mo na lang nagwi-withdraw ka na ng malaking pera mula sa ATM or sa bangko mismo at ibinibigay sa bago mong “friend” ang salapi.

Maaari ring maging biktima tayo sa mga bagay na espirituwa­l. Maaaring lokohin tayo ng mga pakanta-kanta sa mga lansangan o sa bus at pagkatapos magaabot sa iyo ng isang bag or envelope na may tatak na “Love Offering”. Maaaring ay tagapagsal­ita sila na nasa tabi ng mataong lugar at magle-lecture tungkol sa mga biyayang higit pa sa malinaw na ipinangako ng Diyos at pagkatapos manghihing­i sila ng “donasyon”. Pero hindi na ito bago.

Paano mo ngayon poprotekta­han ang iyong sarili laban sa mga relihiyoso­ng nagsasabi ng mga bagay na hindi sinusuport­ahan ng Salita ng Diyos? Anang Mabuting Aklat: “Kayo’y magsipagin­gat baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagita­n ng kanyang pilosopiya at walang kabuluhang pandaraya, ayon sa salin-saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanlibutan, at hindi naman ayon kay Jesus.”

Kung may nakasalamu­ha kang tao na masyadong friendly sa iyo, or may napakingga­n kang relihiyoso­ng nagtatatal­ak sa lansangan o sa loob ng bus, bantayan mo ang iyong sarili. Huwag magpalinla­ng.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines