Balita

Coco at Maja, kilig at sabik sa isa’t isa

- Ni REGGEE BONOAN

NABANGGIT ni Maja Salvador sa solo presscon na ibinigay ng Dreamscape Entertainm­ent sa kanya bilang leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsiya­no na hindi naitago ng aktor ang kilig nito nang mag-pictorial sila at sabik na sabik din siya na magkatraba­ho ulit sila.

“Hindi maitago ni Coco, kilig na kilig siya, ha-haha, sobrang happy ni Coco,” pambubukin­g ni Maja.

“’Yung happiness din na naramdaman ko kasi hindi ko maitago kasi balik-tambalan kami ni Coco, dahil excited din ako for the fans, sa Coco-Jam (fans ng team-up nila) na naghintay ng 4 years.

“Apat na taon o magliliman­g taon silang naghintay at ‘yung limang taon na iyon, sobrang proud naman sa mga fans namin ni Coco kasi sila ‘yung fans na kahit magkahiwal­ay kami, ‘yung projects namin ni Coco, eh, todo suporta pa rin nila. Talagang hindi sila bumitiw dahil alam nila na isang araw ay magbabalik­tambalan kami.”

Sinabi ni Coco na isa sa mga dahilan kaya excited sila sa balik-tambalan nila ni Maja dahil ang sexy at ang ganda-ganda ng dalaga at pareho raw silang single. Parang may ibig sabihin ang aktor na sa pagkakatao­ng ito ay puwede na silang mauwi sa ligawan.

May hadlang kasi noong huling pagtatamba­l nila. Matatandaa­n na nagkaroon pa nga ng gusot sina Coco at Matteo Guidicelli dahil sa sobrang selos ng huli.

Pero mukhang hindi pa handang magmahal muli ni Maja.

“Trabaho na lang muna. Hindi mo naman mapipigila­n ang pag-ibig. Darating lang ‘yan ‘pag andiyan na siya. Naka-lock kasi ang puso ko ngayon. Parang mahirap isingit sa taping ang landian, ang lovelife, kasi mga pulis kami. Parang mahirap maglandian habang nag-a-action. Naka-lock pa ang puso ko, kalma muna tayo.”

Pero inamin ng aktres na hindi lang ideal boyfriend si Coco kundi ideal husband din base sa nakikitang niyang pag-aalaga nito sa pamilya na binigyan ng matitirhan ang bawat isa sa iisang compound.

“Hinihintay ko na nga lang ‘yung imbitasyon niya (para makita ang mansiyon ng aktor),” napangitin­g sabi ng dalaga.

Samantala, kaliwa’t kanan ang projects ni Maja kaya nasasabiha­ng paborito siya ng Dos.

“Siguro iba lang mag-alaga ang ABS-CBN, pareho, Star Creatives at Dreamscape, alam nila kung paano alagaan ang artista nila at alam nila bigyan ng tamang proyekto.

“Ako, sobrang masaya po ako na simula nang magsimula ako, sobrang blessed ‘yung pakiramdam ko, hindi ako pinababaya­an dahil ni wala akong nagawang hindi magandang teleserye na hindi ko ikaka-proud.

“Parang, sobrang nasasakto ‘yung role o ‘yung character ko sa akin, siguro kilala po nila ako na ‘yung mga role na gusto kong gampanan ay ‘yung natsa-challenge ako kaya magaganda ‘yung naibibigay sa akin. Wala pong parehas, iba-iba, rebelde ako, mistress ako, merong star dancer ako, merong teacher ako, kaya sobrang blessed ako at parehas, siguro na nakikita rin ng management na grabe ko ring mahalin ‘yung mga proyektong ibinibigay nila sa akin at importante talaga sa akin ang mga project na ginagawa ko,” pahayag ng dalaga.

Ngayong alas sais ng gabi ang advance screening ng Ang Probinsiya­no sa Trinoma Cinema na dadaluhan ng buong cast sa pangunguna nina Coco, Maja, Arjo Atayde, Bela Padilla, Albert Martinez, Agot Isidro, Jaime Fabregas, Dennis Padilla, Liza Dino, Ping Media, at Ms. Susan Roces.

 ??  ?? Maja at Coco
Maja at Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines