Balita

Excuse letter: Excuse me po!

- Ni ARIS R. ILAGAN

Walang pagbabago! Ito ang nakarirind­ing kataga na ibinibitaw tuwing umaga ng isang tanyag na brodkaster sa radyo.

Walang sablay. Ang pangunahin­g puntirya niya ay ang patindi nang patindi na problema sa trapik.

At kung kayo’y nasa harap ng telebisyon, makikita n’yo sa kanyang teleradyo na nanggigil ang brodkaster na ito sa galit na tila gustong tirisin ang bawat kinauukula­n dahil sa kawalan ng aksiyon.

Pukaw na ‘nyo! Ang bomba naman ng isa pang brodkaster, bagamat siya’y tubong Batangas.

Maski magpalipat-lipat ka ng istasyon ng radyo, iisa ang binabanata­n…ang matinding trapik sa Metro Manila.

Kung ikaw ay kabilang sa mga nakikinig, walang duda na madadala ang inyong damdamin sa mga pinuputak ng mga ito tuwing umaga, tanghali at gabi. Masisisi ba natin sila? Marahil kung ang tatalakayi­n nila ang isyu sa BBL, PCOS machine, marijuana bill at iba pang pang-henyong usapin ay siguradong lalangawin ang kanilang programa sa survey.

Sa damarami nilang binabatiko­s, ang pinakatuma­tagos ay ang problema sa trapik, kakulangan sa transporta­syon at palpak na MRT at LRT. Bukod dito, ang talagang tumagos sa akin ay ang epekto ng mga ito. Dahil sa matinding trapik, nag-aaway na ang maraming mag-asawa, bumabagsak ang mga estudyante, nagkakahiw­alay ang magsiyota, nasisibak sa trabaho ang empleyado at maraming pang kalunus-lunos na sitwasyon.

Ang ama ng tahanan, nabababad sa beer house dahil mayroong lehitimong palusot – ang trapik.

Titingin lamang sa Waze app sa kanyang cell phone at maiispatan na n’ya kung saan hindi gumagalaw ang mga sasakyan.

So ano ang alternatib­o n’ya? Siyempre, last round ng last round sa bote hanggang mabangenge at umagahin sa kakatoma.

Si misis, pag-uwi, diretso sa kuwarto dahil sa pagod kakasabit ng matagal sa estribo ng bus.

Kung nauna man si mister sa bahay at nakapag-shower ng maaga, zero ang sex life n’ya kung ganito lagi ang kundisyon ni misis tuwing uuwi. Ang suma-tutal, hiwalayan blues. Si junior, ang panganay na anak, tuliro rin tuwing darating matapos ang mahigit sa tatlong oras na biyahe mula UST hanggang sa bahay nila sa Parañaque. Pagud na pagod, diretso rin sa kuwarto upang matulog. Wala nang ligu-ligo. Ang masakit nito, wala na rin siyang energy para gumawa ng assignment kaya kinabukasa­n, todas sa teacher.

Ganun din si Tiyo Peping. Dahil palaging late sa opisina sa hirap makakuha ng masasakyan­g jeep sa Alabang, Muntinlupa, maya’t maya ang tinatangga­p na memo. Panalangin ko sa Mahal na Panginoon na hindi n’yo sinasapit ang ganitong kalbaryo. Subalit parami na ng parami na ang natuturete sa epekto ng araw-araw na trapik at hanggang ngayon, walang ipiniprisi­ntang malinaw na solusyon ang gobyerno. Desperado na ba kayo? Baka puwede na ang dating suhestiyon ng pamunuan ng MRT? Natatandaa­n n’yo pa ba ‘yun kanilang ipinanukal­ang “excuse letter”? Excuse me po! (Email: aris333sir­a@gmail.com)

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines