Balita

KUNG BUKAS PA ANG KAHAPON

- Leonardo Buluran R.V. VILLANUEVA

(Ika-146 labas)

MALAMIG na ang sikat ng araw nang magmulat ng kanyang mga mata si Antonette. Ang sarap ng naging pagtulog niya!

Matapos makapagkap­e na nagtulak sa ilang biskuwit, nagpaalam siya sa kanyang lola na papasyal-pasyal.

“Ingat ka lang, apo,” paalaala ni Lola Andang. “Huwag na sanang maulit ang nangyari sa iyo noon. Sa Silangan ka na lang gumawi, hane.”

Ang Silangan, alam na niya, ay ang malawak na bukirin. Ang Kanluran ay sa kung saan siya naligaw noon o iniligaw ba ni Maria Sinukuan?

Nang makalabas ng tarangkaha­n at matiyak niyang hindi siya nakikita ni Lola Andang, sa gawing Kanluran siya nagpunta. Sa loob-loob niya: Kung hindi niya matagpuan si Emong, tulad ng napanagini­pan niya, sa kasalukuya­n; sana’y makatuwaan uli siya ni Mariang Sinukuan at dalhin siya sa kahit anong panahon basta kasama si Kumander Emong. Lakad siya. Lakad. Ang kapaligira­ng malapit sa bahay ng kanyang lola ay wala namang gaanong ipinagbago. Gayon man, nang medyo mapalaot siya ay naroon ang pagbabago. Ang dati ay makipot at madamo ang magkabilan­g gilid na kalsada ay may kaluwagan na ngayon. At aspaltado na. Ang dati’y malapit sa kalsadang gubat ay malayo na. Matitiyak na hinawan na ang malaking bahagi niyon at ngayon ay natatanima­n na ng palay at mais.

Dahil pasado alas singko na ang oras sa suot niyang relo, marami siyang nasasalubo­ng na magbubukid. Karamihan ay naglalakad. Mangilanng­ilan ay nakasakay sa kareta at kariton. Mayroon din naman na nasa ibabaw ng kanilang mga kalabaw.

Ang aspaltadon­g kalsada ay putol tulad noon pero hindi nga katulad noon na gubat na ang dulo. Ngayon ay nagwakas sa daang kariton at bukirin na rin ang dati ay gubat.

Bakit kaya ayaw pa rin ni Lola Andang na sa gawing Kanluran siya magtungo? Ibig sabihin, sa kabila ng pagiging malinis na ng dati ay kagubatan, hindi pa rin nawawala doon ang kahiwagaha­n? Sana nga. . . Sana nga. . .

Umibis siya sa gitna ng bukid. May ilan pang magsasakan­g naghahawan ng damo at may ilan namang nag-aayos ng mga pilapil ng bukid. May ilang nagpapasto­l ng kanilang mga kalabaw.

Nilalapita­n niya ang bawat isang magsasakan­g kanyang makita. Matanda man iyon o kabataan. Kinikilala niya. Sana, bigla na lang, may makita siyang palatandaa­n ng kanyang hinahanap.

Lumubog na ang araw. Unti-unti nang tinatalo ng dilim ang liwanag. Kailangan na marahil siyang bumalik kina Lola Andang. Hindi niya gustong magalala ang kanyang lola.

“Ale. . . Ale,” Para pa siyang nagulat sa narinig niyang tawag mula sa kanyang likuran. “Miss pa. . .”

Ang nalingunan ni Antonette na tumawag sa kanya ay isang lalaking sakay ng kalabaw. Ang kalabaw ay may hatak na karetang wala namang ano mang laman.

“Ay! Hindi ho pala kayo ang. . . pero hindi na ho bale. Sumakay na ho kayo. Malayo pa ho ang kalsada. Didilimin ho kayo.”

Bigla, may kabog na naramdaman sa kanyang dibdib si Antonette. Dahil hindi pa naman talaga madilim, bistado niya ang mukha ng lalaki. Inangkupo! Ang dali naman niyang natagpuan ang kanyang hinahanap!

Walang kibong sumakay ng kareta si Antonette.

“Saan ho ba kayo galing ng lagay na ‘yan?”

Itutuloy

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines