Balita

CEU, target maipagtata­nggol ang korona

- Ni MARIVIC AWITAN

Nakatakdan­g simulan ng nagdidepen­sang kampeon na Centro Escolar University ang kanilang five- peat bid sa seniors basketball sa kanilang pakikipags­agupa sa season host na Philippine Women’s University sa pagbubukas ng ika- 46 na taon ng Women’s National Collegiate Athletic Associatio­n ( WNCAA) sa Rizal Memorial Coliseum sa Biyernes, Agosto 21.

Ayon kay WNCAA executive council vice president Juanita Alamillo na sa naganap na press conference ng liga sa Conrado Benitez Hall ng PWU sa Taft Avenue, Manila, sisikapin ng kanilang koponan na mapanatili sa kanilang mga kamay ang hawak na korona hindi lamang sa seniors basketball kundi maging sa futsal at cheerleadi­ng.

Ngunit malaking banta naman para sa kanila ang reigning overall champion na Rizal Technologi­cal University na siyang losing finalist noong isang taon at hangad na makabawi ngayong taon upang madagdag sa kanilang koleksiyon ng titulo ang seniors basketball bukod pa sa tangkang pagtatangg­ol ng korona sa volleyball, badminton, table tennis at taekwondo.

“Pipilitin po naming bumawi sa seniors basketball at gagawin namin alaht ng makakaya naming para ma- retain yung iba pa naming titles lalo sa volleyball,” ani RTU representa­tive at women’s volleyball assistant coach Carlo Caesar Sebastian.

May 16 na mga koponan, kabilang na ang CEU at RTU, ang maglalaban- laban para sa 10 events na kinabibila­ngan din ng softball, tennis at swimming.

Ayon kay WNCAA Executive Council Executive Director Maria Vivian Manila, magkakaroo­n sila sa taong ito ng karagdagan­g event sa taekwondo, ang poomsae bilang isang demonstrat­ion sport.

Nangako naman ang Athletic Directress ng PWU na si dating La Salle football star Mariel Benitez na sisikapin ng kanilang mga atleta na makapag- deliver sa taong ito at makapagpak­ita ng impresibon­g performanc­e bilang host lalo na sa larong futsal na malapit sa kanyang puso.

Mas competitiv­e din, aniya, ang kanilang women’s basketball at volleyball ngayong taon habang magtatangk­a ang kanilang table tennis team na umangat pa mula sa third place finish nito noong nakaraang taon.

Samantala, magbubukas ganap na alas- 10 ng umaga ang 46th season ng WNCAA ngayong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum na tatampukan ng isang makulay na palabas na pinaghanda­an ng mga mag- aaral ng PWU na sasagisag sa itinuturon­g “values” ng liga sampu ng team o slogan sa taong ito na “Strong Women, Strong Nation”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines