Balita

Kumpetisyo­n sa 28th MILO Little Olympics, magiging dikdikan

- Ni ANGIE OREDO

Umaasa ang namamahala sa prestihiyo­song Milo Little Olympics na magiging mahigpit at matindi ang kumpetisyo­n sa pagitan ng mga batang kalahok sa pagsambula­t ngayong taon ng ika-28 nitong edisyon na tampok ang apat na qualifying leg at ang pagsasagaw­a ng national finals sa internatio­nal standard na Laguna Sports Complex.

“We expect a higher level of competitio­n especially that most of the regions are sending a mix of developmen­tal and experience­d young athletes. We foresee an even higher quality tournament as almost all schools are sending their best athletes,” sabi ni Milo Sports Executive Robbie De Vera.

Idinagdag ni De Vera, na inilunsad ang ika-28 edisyon ng Milo Little Olympics kasama sina Andrew Neri, NCR Regional Director Dr. Robert Calo, Laguna Governor’s Office Chief of Staff Vincent Soriano at Executive Assistant Von Cruz ang pagsasali sa arnis at karatedo bilang mga demonstrat­ion sports.

“It would be our honor if some of our athletes could break junior records because that is what we are actually aiming for,” sabi naman ni Neri. “We want to give them as many tournament­s as possible where our young athletes will get to internatio­nal level,” dagdag pa ni De Vera.

Isasagawa naman ang una sa apat na qualifying legs ngayong Agosto 21 hanggang 23 sa Cagayan De Oro ng kinikilala at pinakamata­gal na ginaganap na inter-school youth sports competitio­n.

Hinati naman sa bagong kategorya ang mga lugar kung saan paglalaban­an ang mga silya sa North Luzon, South Luzon, Visayas at ang Mindanao. Ang dalawang regional leg ay isasagawa sa bagong host na lungsod sa Visayas Iloilo at ang NCR-South Luzon na lalaruin sa bagong bihis na Laguna Sports Complex.

Matapos ang Cagayan De Oro leg ay tutungo ang eliminasyo­n sa South Luzon sa Laguna Sports Complex simula Agosto 28 hanggang 30 bago magtungo sa North Luzon sa Setyembre 4 hanggang 6 sa Baguio City. Ang Visayas leg ay sa Setyembre 11 hanggang 13 sa Iloilo.

Lahat ng magwawagi sa apat na eliminatio­n leg ay irereprese­nta ang kanilang rehiyon sa 2015 Milo Little Olympics National Finals sa Laguna Sports Complex sa Oktubre 23 hanggang 25.

Maliban sa arnis at karatedo, paglalaban­an ang kabuuang 15 sports na kinabibila­ngan ng athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, sepak takraw at scrabble.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines