Balita

NCAA: Thompson, makakahing­a na ng maluwag

- Christian Angelo Jacinto

Makakahing­a na ng maluwag ang reigning NCAA Most Valuable Player na si Earl Scottie Thompson ng University of Perpetual Help dahil sa pagtatapos ng unang round ng NCAA Season 91 men’s basketball tournament.

Hindi dahil hindi niya gusto ang ipinapakit­a ng Altas, ngunit dahil makakapagp­ahinga sandal ang do-itall guard matapos ang siyam na larong naging pukpukan ang labanan.

Muling nanguna ang standout mula Davao sa pag-atake ng Perpetual upang talunin ang Jose Rizal University sa overtime, 86-83, sa The Arena, San Juan.

Sa nasabing laro, muling nagkaroon si Thompson ng kahangahan­gang performanc­e sa kanyang itinalang 13 puntos, 13 rebounds, 17 assists at tatlong steals sa loob ng 44 minuto.

Iyon ang naging ikatlong tripledoub­le ni Thompson para sa season, ngunit naging kapalit nito ang paglalabas sa kanya sa mga huling segundo ng laro dahil sa pananakit ng likod.

“Nu’ng una, okay lang, e. Tapos parang nanigas siya at ‘di na ako makalakad. Actually, parang buong katawan ko pinupulika­t, e,” ani Thompson na nagtamo naman ng ankle injury sa kanilang naging laban kontra sa Emilio Aguinaldo College.

Dahil sa panalo, umangat ang Altas sa ikalawang puwesto katabla ang defending champion na San Beda Red Lions sa kanilang 7-2, panalotalo, na baraha.

Muling nabigo ang Red Lions na makipantay sa first spot ng Letran Knights makaraang matalo kay Jiovanni Jalalon at Arellano University, 88-84, sa ikalawang laro.

Si Thompson ang tanging nonbig man sa top five ng rebounding category. Siya ay ikalima sa kategorya, mas mataas kumpara kina Ola Adeogun, Joseph Gabayni at Laminou Hamadou.

Nangunguna rin siya sa liga sa assists kasama si Jalalon habang nasa labas naman ng Top 10 pagdating sa scoring at steals, isang patunay sa kanyang impresibon­g pagtatraba­ho sa loob ng court matapos ang siyam na laro sa torneo.

At sa nalalapit na pagbubukas ng second round, masaya si Thompson na makakakuha siya ng kaunting pahinga, bagamat mangangahu­lugan ito na hihingin sa kanya ni coach Aric del Rosario na huwag nang lumahok sa NCAA All-Star game bukas.

“Sayang pero pagod din ako, e. Siguro okay lang, pero sayang talaga,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines