Balita

PSC chairman, umaasang makakakuha ng ginto ang Pilipinas sa Rio

- Angie Oredo

Matindi ang hangarin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ng Pilipinas ang una nitong ginto sa Olympics sa 2016 Rio Games habang nasa ilalim ng kanyang pamumuno ang ahensiya.

“Halos lahat naman tayo siguro ay hinahangad na magkaroon na tayo ng gintong medalya sa Olympics pero mas maganda kung sa termino natin mangyayari para kahit na mawala tayo dito sa ating puwesto ay maipagmama­laki natin na nagawa natin maisakatup­aran ang matagal na mithiin ng isang bansa,” sabi ni Garcia.

Isa na sa pangunahin­g adhikain ni Garcia ay ang maitulak nito ang mas posibleng pinakamara­ming Pilipinong atleta na makapagkuw­alipika sa 2016 Rio Olympics.

“Ang sabi nga nila ay iyon lamang na makapag-qualify sa Olympics is already an achievemen­t na,” sabi ni Garcia sa pagdalo nito sa lingguhang Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) Forum sa Shakey’s, Malate noong Martes.

“If we can get 15 to 20 athletes to Rio, that will be good,” sabi nito. “That will be an accomplish­ment we can be proud of. If we go back to the past few Olympics, we haven’t been sending many athletes,” sabi nito.

“As long as they are qualified, we have no problem. We can spend P10-milion each on them because they had a better chance instead of those that are sent because of tripartite or mandatory entry. Let us not spend our money on athletes with no chances of qualifying,” paliwanag pa ni Garcia.

Sa kasalukuya­n ay tanging si Eric Shauwn Cray pa lamang ng track and field, na tinanghal na double gold medalist sa nakalipas na Singapore SEA Games, ang tanging Pilipinong atleta na nakasiguro na ng silya sa Rio Olympics sa 400m hurdles event.

Matatandaa­ng noong 2012 London Olympics ay nagpadala ang Pilipinas ng 11 qualifiers sa walong sports subalit wala ni isa man lamang sa kanila ang nakalapit sa medal round.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines