Balita

Ariel at Gelli, ‘di na maniniraha­nm sa Canada

- --Reggee Bonoan

MAS

gusto ni Ariel Rivera ang paggawa ng teleserye kaysa pelikula. “Hindi ako ma-movie guy, eh, mas ma-TV,” sabi ni Ariel sa presscon ng Doble Kara. Last kong ginawa is the

Shake, Rattle Roll. Kung may offer? Depende, I’m that type na pipili na lang ako sa project.”

Nabanggit namin kay Ariel na hindi mukhang 42 years old ang maganda at maseksi pa ring asawa niyang si Gelli de Belen.

“Oo nga, eh, yes, I’m very proud. Wala kaming usapan na ganu’n (magpa-sexy), that’s not important naman, eh. It’s nice that she looks nice, she’s fit, it’s not important. I love her because of who she is, maganda ugali niya and you know her, so wala siyang kaplastika­n, so swak kaming dalawa. So regardless of how she looks, suwerte na lang, she looks like that,” nakangitin­g sabi ng singer/actor.

Masuwerte rin naman si Gelli dahil fit at guwaping pa rin ang asawang si Boyong (palayaw ni Ariel), na tinanong namin kung nagwo-workout.

“I try, ako kailangan kasi tataba ako ‘pag hindi,” natawang sagot ng aktor.

Samantala, walang plano ang dalawang anak nila, sina Julio at Joaqui, na pasukin ang showbiz.

“Wala silang hilig, wala talaga. Ayaw nila. Growing up, ‘pag lalabas kami, ayaw nila nu’ng nagpapa-picture ganu’n, very private sila, they’re very much like me and keep to themselves and ayaw nila ‘yung masyado silang pinapansin,” pagtatapat ni Ariel.

Nawala na rin daw ang dating plano ng mag-asawa na sa Canada na manirahan.

“Hindi na, hindi na kami magma-migrate, pero ‘yung dalawang anak ko, lilipat na sila sa Canada next year. Maiiwan kami ni Gelli dito, doon na sila mag-aaral next year.

“Nandoon mga kapatid ko, may bahay kami ni Gelli doon, so doon sila titira with my parents, marami naman silang guardians doon. Siguro in between work ko and work ni Gelli, we will visit them,” kuwento ni Ariel.

Grade 12 at Grade 11 na sa susunod na taon sina Julio at Joaquin kaya gusto ni Ariel na doon na mag-aral ang mga anak.

“Mas maganda ang college ro’n. College is better there, better opportunit­ies, you know.”

Oo nga, doon nag-aral si Ariel kaya alam niya ang taas ng standard sa nasabing bansa.

 ??  ??
 ??  ?? Gelli at Ariel
Gelli at Ariel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines