Balita

R2,000 dagdag sa buwanang SSS pension, inaprubaha­n

- PNA

Inaprubaha­n ng Senate Committee on Government Corporatio­ns and Public Enterprise­s noong Martes ang panukalang batas na nagtataas ng buwanang pension ng Social Security System (SSS) pensioner mula P3,000 sa P5,000.

”It has been approved across-the-board. It’s for our parents who worked hard for 20 years or more,” sinabi ni Committee chairman Sen. Cynthia Villar sa media matapos ang public hearing sa limang panukalang batas sa Senado, kabilang na ang SB No. 2879 na inakda mismo ni Villar.

Ang panukala ay sinuportah­an ng mga stakeholde­r, kabilang na ang mga grupo ng employer, basta’t ang buwanang dagdag sa pension ay hindi sisingilin sa kasalukuya­ng puwersa ng paggawa ng pribadong sektor.

”We do not oppose the P2,000 across-theboard increase of SSS monthly pension,” sabi ni SSS President at CEO Emilio De Quiros Jr..

Gayunman, nagpahayag si De Quiros ng pag-alinlangan na ang SSS fund life ay tatagal na lamang ng hanggang 2029 imbes sa orihinal na hanggang 2042.

Ipinanukal­a ng SSS chief na itaas ang premium contributi­on ng mga miyembro ng

SSS.

Kinontra ni Villar ang suhestyon ni De Quiros, sinabing dapat na magpatupad ang SSS ng mas maayos na collection system para maabot ang target nito.

”They (SSS) can still do a lot of things in 15 years and I don’t mind government subsidizin­g it. P3,000 is below poverty line and that’s why we increased it to P5,000,” paliwanag ni Villar.

Sinabi ni Villar na maaaring pagtibayin ng Senado ang House version ng panukalang batas “to make sure the bill will be passed once it reaches the bicameral conference committee.”

Inaasahan niya na ang panukala ay lalagdaan bilang batas ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Disyembre.

Sa oras na maipasa bilang batas, hindi bababa sa P36 billion ang kakailanga­nin para sa P2,000 across-the-board SSS monthly pension increase.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines