Balita

Extended campaign period, ibinasura ng Comelec

- Ni LESLIE ANN G. AQUINO

Hindi pinaboran ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang palawigin ang campaign period sa Mayo 2016 elections.

Sinabi ni Comelec Commission­er Christian Robert Lim na walang balak ang ahensiya na palawigin ang panahon ng pangangamp­anya base sa opinyon ng Comelec-Legal Department.

“When we also looked at the deliberati­ons of Congress it was clear...that the Comelec does not have any authority to move the campaign period,” pahayag ni Lim sa pulong balitaan. “We have to maintain the 90 and 45 day campaign period.”

Nakasaad sa Omnibus Election Code na magsisimul­a ang panahon ng kampanya para sa mga national candidate sa Pebrero 8 o 9 habang ang mga lokal na kandidato ay sa Marso 25.

Nakasaad din sa batas na ang campaign period para sa mga national candidate ay may 90 araw bago ang araw ng halalan habang ang mga lokal na kandidato ay mayroong 45 araw upang mangampany­a.

Una nang naglabas ang poll body ng isang draft calendar of activities para sa 2016 elections upang isalang sa konsultasy­on at mapulsuhan ang damdamin ng mamamayan hinggil sa iba’t ibang isyu sa eleksiyon.

Sa nasabing draft, ipinanukal­a ng poll body na palawigin ang pangangamp­anya ng national at local candidates hanggang 120 araw o mula Enero 10 hanggang Mayo 7, 2016.

Noong panahon na iyon, naghayag na ang Comelec sa pagtutol nito sa mga kandidaton­g “epal” o maagang nangangamp­anya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines