Balita

Bakit may film restoratio­n projects ang ABS-CBN?

‘REELIVE THE CLASSICS,’ IPAPALABAS SA ROCKWELL

- –Reggee Bonoan

HINALUAN ng mga bagong pelikula ng ABS- CBN Film Restoratio­n Project tulad ng One More Chance at Got To Believe ang gaganaping “Reelive The Classics” film exhibition na mapapanood simula sa Agosto 26 hanggang Setyembre 1 sa Rockwell Cinema 5.

Makakasama ito ng di-malilimuta­n ding Tagalog film classics na Sana Maulit Muli, Hindi Nahahati Ang Langit, Tanging Yaman, Oro Plata Mata, Karnal, T-Bird at Ako at Sarah Ang Munting Prinsesa.

On the process na rin daw ang restoratio­n ng Kakaba-Kabakaba, Nagalit Ang Buwan sa Haba ng Gabi, Kasal, Cain at Abel, Pedro Penduko, Nunal sa Tubig, Haplos, Karma, Soltero at iba pa

For obvious reasons ay blockbuste­r din ang dalawang medyo bagu-bago pang pelikula na pinagbidah­an nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at nina Rico Yan (SLN) at Claudine Barretto. Kasama ang dalawang pelikula sa ni-restore dahil marami pa rin ang nagre-request na muli itong ipalabas sa sinehan.

Dumalo sa presscon para sa “Reelive The Classics” ang mga premyadong direktor na sina Jose Javier Reyes, Mel Chionglo, Laurice Guillen Joey Romero, scriptwrit­er na si Ricky Lee at cinematogr­aphers na sina Manolo Abaya at Romy Vitug.

Tinanong ang mga direktor kung anu-ano ang mga pelikula ang gusto nilang i-restore.

Sagot ni Joey Romero: “So far ang gusto ko, all the works of my father, at na-restore na ‘yung Ganito Kami Noon, sana ma-restore rin ‘yung Aguila.”

Sagot ni Direk Joey: “Lahat ng pelikula kong kasama si Vangie Labalan, the post digital Mary Walter. Well, nagtampo nga ako and I confronted Leo ( Katigbak, ABS-CBN Film Archives and Restoratio­n head) na sabi ko, bakit hindi pa ginagawa ang May Minamahal and apparently it’s in a state which is not restorable at this point, the prints are all damaged. Maybe Radio Romance and Kung Ako Na Lang Sana.

Sagot naman ni Direk Mel: “All my films in Regal, gusto kong ma-restore lahat, I was under contract with them for 10 years so lahat ng pelikula ko, nasa kanila. And of course Midnight Dancers.”

Dagot ni Direk Laurice: “Salome, the mysterious Salome, eh, kasi mysterious talaga. And my first komiks film in Viva Films, Kung Mahawi Man Ang Ulap also, Lumayo Ka Man Sa Akin under Seiko Films.”

Kapuri-puri ang ginagawang ito ni Leo Katigbak katuwang si Ronald Arguelles, channel head ng Cinema One.

Ipinaliwan­ag ni Mr. Katigbak kung bakit nila pinahahala­gahan ang magagandan­g pelikulang naprodyus ng Philippine movie industry.

“Maraming nagtatanon­g kasi kung ano ba talaga ang restoratio­n project ng ABS-CBN, this project is something that do with our partner digital lab. Ako kasi noong bata mahilig talaga sa pelikula

kaya nalulungko­t ako na ang mga pelikula na kinalakiha­n ko hindi na ho nagsu-survive.

“So, when we set-up the film archives over 20 years ago, ‘tapos one of the things that we wanted to do is we wanted the movies to ensure kaya lang napakamaha­l ng restoratio­n noon, and over the years, we’ve been talking with Manet Dayrit who used to be in Roadrunner also at ang specializa­tion nila is film restoratio­n.

“At nu’ng nakita naming medyo bumababa na ang cost ng restore ng films, we decided to partner beginning 2011 at ang unang pelikulang natapos, mga 2012.

“Bakit ho ba natin ito ginagawa? The Philippine­s produced closed to 9,000 movies since cinema started coming to the Philippine­s. Ang problema ho as of now, more than half of that are no longer surviving and of the remaining siguro, 40% that is survive, half of that is no longer restorable.

“Halimbawan­g nakikita ninyo sa video 48 ba ‘yun, mga VCD o kaya VHS copies, ‘yung ibang sine, ‘yun na lang talaga ang nagsu-survive at ‘pag nawala na ‘yun, that’s the end of the movie.

“Pero ang isang naging malaking problema rin nito ay karamihan ng producers, did not really seen the need to preserve the prints, kasi dati wala namang cable, wala namang DVD, TV lang at saka sinehan.

“So pagkatapos nu’n, napakagast­os itago ng pelikula, kailangan nakaaircon ‘yan, naka-room temperatur­e ‘yan, so mas mabuti na lang ibenta, gawing torotot sa bagong taon kaya ang nangyari, nawala karamihan ang mga pelikula.

“’Yung ibang nakikita pa namin, more or less naiba na ‘yung itsura niya at hindi na ‘yun mai-scan hindi na ‘yan mare-restore. So nakakalung­kot na nakikita sa mga sinehan, sa mga probinsiya ang ganitong kundisyon.

“Our weather kasi is not conducive also to preserve the print materials. Ang isa pang nakakalung­kot sa amin, ;pag tinanong mo ang mga kabataan ngayon bakit hindi nila pinapanood ang mga lumang pelikula, ang sasabihin nila, ‘eh, ano ba ‘yan, wala nang kulay’. ‘Pag nakikinig ka parang popcorn na pumupumuto­uk-putok ‘yung audio, puro gasgas siya, mali-mali ‘yung continuity, kulang-kulang ‘yung mga eksena.

“Bukod doon, when I was in Adamson University the other day, ‘yung mga direktor na gumagawa ng pelikula na kahit gaano kagagaling, nakakalimu­tan na nila, hindi na nila naalala sina Lino Brocka, Mike

de Leon, more so ‘yung mga writers ng mga pelikulang ‘yun, so nakakalung­kot.

“Ang gaganda ng mga pelikulang nagawa natin noon, pero konti na lang ang nakakaalal­a. Pagkatapos ngayon ang dami-dami pang mga bagong platforms, hanap nila content, pero dapat maganda ang content, walang gasgas at walang kulay ang materyal mo, paano naman pagtitiyag­aan ng kabataan ‘yun?

“So ang punto de vista namin, puwede naming baguhin ang pananaw ng audience sa mga lumang pelikula, puwede namin silang i-excite rito sa mga lumang pelikula at puwedeng palabasin namin na kung hindi ninyo alam na ganito ay parang ngayon o kahapon lang siya sinyut.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines