Balita

Isuzu vehicles, No. 3 sa total industry sales

-

Muling umarangkad­a ang Isuzu Philippine­s Corporatio­n sa bilang ng mga naibentang light commercial vehicle nito sa unang pitong buwan ng 2015, kung saan tumaas ng 4,876 unit ang total sales kumpara sa kahalintul­ad na panahon noong 2014.

Dahil dito, pumuwesto ang IPC sa third spot sa over-all industry sales.

Base sa ulat na inilabas ng Chamber of Automotive Manufactur­ers of the Philippine­s, Inc. ( CAMPI), at Truck Manufactur­ers Associatio­n (TMA), nakapagben­ta ang IPC ng 12,317 unit mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon kumpara sa 7,441 unit na naideliver sa kahalintul­ad na panahon noong 2014 o 66 porsiyento­ng itinaas sa total sales nito.

Sa total sales mula Enero hanggang Hulyo, umabot sa 5,911 unit ng Isuzu mu-X ang naibenta ng IPC. Ang mu-X, isang sport utility vehicle (SUV) na hindi lamang kilalang magara subalit maganda rin ang presyo, ay inilabas sa merkado noong Setyembre 2014.

Sinabi ni IPC President Hajime Koso na ang patuloy na pagbawi sa supply allocation ng kanilang mga LCV at magandang presyo ng mga ito ang malaking naitulong sa paglobo ng kanilang sales figure.

Nakatulong din sa magandang sales performanc­e ng IPC ang mga dekalidad na bus at truck nito tulad ng N-Series, isang light duty truck, na may total sales na 2,212 unit sa loob ng pitong buwan. Ito ay katumbas ng 40 porsiyento­ng pagtaas sa total sales kumpara sa 1,584 unit noong 2014.

Sinabi ni Koso na malakas ang benta ng N-Series sa National Capital Region (NCR) at Visayas Region, partikular sa Mandaue-Cebu, dahil sa lumalakas na kalakalan sa mga naturang lugar.

Nakabenta rin ang IPC ng 204 unit ng heavy-duty truck at bus ngayong 2015 kumpara sa 105 unit noong 2014 bunsod na rin ng pagdami ng kinukumpun­ing imprastrak­tura at gusali.

Bahagyang humina naman ang benta ng Isuzu Crosswind AUV na nakabenta ng 2,310 unit ngayong taon kumpara sa 3,182 unit noong 2014 habang ang D-Max pickup ay mayroon lamang 1,680 unit na naibenta ngayong taon kumpara sa 2,293 unit noong 2014.

“We are adamant that these sales figures will continue to grow due to the fact that the Isuzu is committed to provide its very best to Filipinos with regards to quality of our vehicles,” pahayag ni Koso.

 ??  ?? TIWALA SA PRODUKTO Masayang inaabot ni (mula kaliwa) Isuzu Philippine­s Corporatio­n (IPC) Executive Vice President Takashi Tomita at IPC President Hajime Koso ang ceremonial key ng mga bagong Isuzu trucks kina EEI Executive Vice President Antonio Pascua...
TIWALA SA PRODUKTO Masayang inaabot ni (mula kaliwa) Isuzu Philippine­s Corporatio­n (IPC) Executive Vice President Takashi Tomita at IPC President Hajime Koso ang ceremonial key ng mga bagong Isuzu trucks kina EEI Executive Vice President Antonio Pascua...
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines