Balita

Search for national cocktail drink, inilunsad ng APEC

- Ni GENALYN KABILING TAMANG TAKTIKA ALI VICOY

“Manila Thrilla,” “Pacquiao’s Punch” at “Jeepney Juice.”

Ilan lamang ito sa mga ipinanukal­ang pangalan ng national cocktail na ihahain kay US President Barack Obama at iba pang lider sa Asia Pacific na dadalo sa regional summit sa Manila ngayong Nobyembre.

Sinabi ni Charles Jose, tagapagsal­ita ng Department of Foreign Affairs, na nagsimula ang paghahanap para sa iconic drink na magiging available sa Asia Pacific Economic Cooperatio­n (APEC) leaders’ summit sa Manila.

Ang paghahanap para sa APEC drink ay inilunsad ng APEC Business Advisory Council (ABAC) noong Linggo sa World Presidents’ Organizati­on annual membership night sa Taguig City, ayon kay Jose.

“Invited CEOs and guests tried five types of rum-based cocktails and have each rated its quality based on aroma, taste and balance,” sabi ni Jose.

“The participan­ts were asked for suggestion­s on the name of the cocktail that will be chosen. The proposed names are the following: Manila Thrilla, Pacquiao’s Punch, Pinoy Colada, Mango Tango, Pinoy Punch, and Jeepney Juice,” dagdag niya.

Dumalo sa event sina APEC national organizing committee members Ambassador Marciano Paynor, Ambassador Angie Santa Catalina at Doris Magsaysay-Ho.

Sinabi ni Jose na magbibigay siya ng update sa publiko sa oras na mapili ang APEC cocktail drink. Ipinakikit­a ng mga elemento ng Special Weapon Action Tactics (SWAT) ng Manila Police District Command sa internatio­nal television network kung paano tugunan ang isang hostage drama at upang ipakita ang pagkakaiba ng mga taktika.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines