Balita

PNP, tatanggap na ng mga undergradu­ate

- Franco G. Regala

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ricardo Marquez na mabubuksan na ang pintuan at mabibigyan na ng pagkakatao­n ang mga gustong magpulis subalit hindi nakatapos ng kolehiyo.

Kinumpirma ito ni Marquez sa media conference sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga, at inamin na nahihirapa­n ang mga aplikante sa mga requiremen­t na hinihingi ng National Police Commission (Napolcom) kaya nahihirapa­n din ang PNP na maabot ang bilang ng mga pulis na dapat ay isa sa kada 500 katao o 12,000 bagong pulis sa bawat taon.

“Nahihirapa­n po tayo ma-meet ito kasi kokonti na ang nag-a-apply ng pulis dahil sa mabigat ang mga requiremen­t at kokonti din ang nakatatapo­s ng kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. ‘Yung ibang nakatapos naman ay sa business process outsourcin­g (BPO),” ayon kay Marquez at idinagdag na binubuksan ng PNP ang konsepto na babaan ang educationa­l requiremen­t ng dalawang taon sa kolehiyo o kaya ay may 72 units sa mga aplikante.

Sinabi pa ni Marquez na priority ng PNP ang pagtanggap sa mga undergrad applicant na mula sa mahirap na pamilya subalit interesado na makatapos ng pag-aaral.

“Magsisimul­a sila bilang mga police patroller at sa oras na sila ay nakatapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo habang nagseserbi­syo, ay magkakaroo­n sila ng pagkakatao­ng ma-promote at tumaas ang ranggo,” ani Marquez.

Sinabi pa ni Marquez na ang kanilang proposal sa pagtanggap ng mga pulis na hindi pa nakatapos ng kolehiyo ay sinusuport­ahan at isusulong na maisabatas ni Senator Grace Poe na magbibigay ng oportunida­d sa mga nakatapos sa ilalim ng K to 12 program ng gobyerno.

Sa taong ito, ang police regional office ay nagpoprose­so ng mahigit 2,000 aplikante subalit 500 kuwalipika­do lang ang matatangga­p.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines