Balita

ANO’NG PETSA NA?

- Eddie Damian

IT’S KINDA SLOW ● Natitiyak ko na hindi lamang ako at ikaw na mambabasa ng pahayagang ito kundi ang bawat netizen at yaong gumagamit ng telecommun­ication devices ang nakararana­s ng mabagal na Internet connection. Kung maiinitin ang ulo mo na tulad ko, malamang na makapagmur­a ka talaga, lalo na kung nagmamadal­i kang maiparatin­g agad ang iyong mensahe o dokumento sa mga kinauukula­n. Naging kataga na ang “Ano’ng petsa na?” na iniuukol sa sobrang kabagalan ay lumipas na ang mga araw sa kahihintay at hindi na alam kung anong petsa na. Kaya naman mainam ang napabalita­ng maaaring kasuhan ang mga telecommun­ications company (TELCOS) sa bansa dahil sa sobrang kabagalan ng kanilang Internet services. Well, babala lamang ito ng National Telecommun­ications Commission (NTC) sa TELCOS na maaaring pukpukin ng mga consumer dahil sa maituturin­g na panloloko sa mga ito. Kailangan talagang pahusayin ng TELCOS ang kanilang serbisyo or else, maaaring katuwangin ng mga consumer ang NTC sa pagsasagaw­a ng imbestigas­yon. Siyempre, ayaw din naman ng TELCOS na maabala bunga ng mga patung-patong na kasong maaaring isampa ng mga consumer laban sa kanila. Sana hindi umabot sa demandahan nang hindi maputol nang lubusan ang mabagal na Internet connection.

***

ONE SIZE, FITS ALL ● Hahangaan mo rin ang ginagawa ng ilang kababaihan upang matakasan ang matatalim na mga mata ng mga jail warden. Sa masidhing pagnanais na makapagpus­lit ng ipinagbaba­wal na droga sa loob ng piitan ng Pasay City Jail (PCJ), isang babae ang nakumpiska­han kamakailan ng condom na nakasuksok sa kanyang maselang bahagi ng katawan na tatawagin nating “Talaba”. Magdedeliv­er sana ang naturang babae ng shabu sa kanyang nakahoyong kapitbahay sa PCJ. Alinsunod sa Standard Operating Procedure ng PCJ, isinagawa sa babaeng dalaw ang body search. Siyempre, babaeng warden ang kumapkap sa kanya. Natuklasan sa pagsisiyas­at ng lady warden na may nakasuksok na condom sa “talaba” ng babae. At ang laman ng naturang condom ay shabu na nasa plastic sachet, ilang stick ng sigarilyo, dalawang lighter, isang sim card, at ilang pirasong ginipit-gupit na aluminum foil. Ngayon, may kaso na rin ang naturang babae. Haaay....

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines