Balita

BINATANG AMA

- Ric Valmonte

LUMABAS na ng Valenzuela si Congressma­n Sherwin Gatchalian. Nagpapakil­ala na siya sa buong kapuluan sa pamamagita­n ng mga bayád na anunsiyo sa media. Sa mga anunsiyong ito ipinaaalam niya ang kanyang prioridad na maluwalhat­i niyang nagawa sa maikling panahon na siya ay nanungkula­n bilang alkalde at mambabatas ng Valenzuela.

Sa kanya ang kayamanan ng bansa ay ang kanyang mamamayan. Kaya siya rito lubusang namuhunan. Gamit ang kapangyari­hang ipinakaloo­b sa kanya ng mamamayan, nagsimula siya sa kanyang nasasakupa­n.

Sa kanyang panahon, nagsulputa­n ang mga eskuwelaha­n. Walang sinuman sa mga taga-Valenzuela ang makapagsas­abi na hindi nila napag-aaral ang kanilang anak dahil sa kahirapan. Paano kasi, sa pagnanais ni Gatchalian na makapag-aral ang lahat ng kabataan, inilapit sa kanila ang mga paaralan. Nasa gitna ng mga lugar kung saan naroroon ang maraming residente ang eskuwelaha­n. Eh karamihan sa mga naniniraha­n dito ay ang mga nangungupa­han at mga manggagawa na nasa kalapit ding lugar ang kanilang pinagtatra­bahuhan. Hindi na kailangan mamasahe pa ang gustong mag-aral para marating ang paaralan.

Kaya sa pangkalaha­tan, mapayapa ang Valenzuela. Noon ay kilala ito sa bansag na “Strike Capital” ng bansa dahil pinutakti ito ng mga welga. Ngayon halos nawala na ang mga ito at napalitan ng mga paaralan. Malaking bagay sa mga magulang ang napapagara­l nila ang kanilang mga anak ng halos walang gastos o kung mayroon man, hindi gaanong naaapektuh­an ang kanilang gastusin sa pang-arawaraw nilang pangangail­angan para mabuhay. Malaking bagay din ito sa pamayanan. Dahil nakapag-aaral ang mga bata, bukod sa alam nila ang makasasama sa kanila, nauubos ang kanilang panahon para sa ikabubuti nila. Sa huli ang mabibiyaya­an ay ang lipunang kanilang ginagalawa­n.

Binata pa si Sherwin, pero para siyang may pamilyado. Mula nang siya ay manungkula­n, nagpaaral na siya ng mga bata lalo na iyong mga dukha.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines