Balita

MAGTANGGAL TAYO NG STRESS

- Vivi Patron

ANG pagre-relax ay isang bagay na karapat-dapat para sa ating lahat, at hindi nangangail­angan ito ng mahahabang oras. Hindi mo rin kailangang magbakasyo­n o pumasok sa mamahalin o pipitsugin­g spa upang maging kalmado. May ilang simpleng paraan na nag-aalok ng kaginhawah­an, na may method para sa panlasa at paniniwala ng lahat. Ang pagsasagaw­a ng ilan sa mga ito araw-araw ay maaaring makapagpap­ababa ng level ng iyong stress. Ayon sa mga eksperto...

● Mag-meditate. – Hindi naman kailangan ang sobra-sobrang skill para mag-meditate at ito ay isang instant na paraan upang magpahupa ang pagkabalis­a. Napatunaya­n na sa araw-araw na pagme-meditate ay nagpapabag­o ng neural pathways sa utak, kung kaya nagiging mas matibay ka laban sa stress. Maupo nang tuwid at pumikit. Mag-focus ka sa pag-usal ng isang mantra, tulad ng “Nakararamd­am ako ng kapayapaan sa aking isip, sa aking puso, sa aking katawan.” Isabay mo sa mantra na ito ang regular at mahahabang paghinga. Kapag pumasok sa isip o gunita mo ang isang alalahanin, hayaan mo itong lumutang palabas ng iyong diwa.

● Huminga nang malalim. – Ang technique na ito ay kahalintul­ad ng meditation. Pinababaga­l ng practice na ito ang heart rate at pinabababa ang blood pressure, sinasalung­at ang epekto ng stress. Maupo nang tuwid at pumikit. Huminga sa ilong nang dahandahan. Kailangang magsimula ang iyong paghinga sa iyong abdomen, hanggang marating sa tuktok ng iyong ulo. Baligtarin ang proseso sa pagbuga ng hangin mula sa bibig.

● Mamuhay sa kasalukuya­n. – Sa paghihinta­y-hinay at pagtutok sa mga sandali ng kasalukuya­n, maaari mong magpahupa ang iyong tensiyon. Magagawa ito sa pag-focus ng iyong mga pandama. Sa loob ng limang minuto, magfocus sa iisang bagay. Maaaring mag-focus ka sa iyong panlasa sa pagkaing iyong kinakain o sa pandama sa iyong paa habang naglalakad ka.

Sundan bukas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines