Balita

Anu-ano ang mabuti at masamang epekto ng beer sa kalusugan?

-

SA panahon ng kasayahan kapag tag-init, may ilang bagay na mas makakapagp­alamig ng katawan na dapat isaalang-alang kaysa sa paglagok ng ice-cold beer. Pero, ano nga ba ang mangyayari sa iyong katawan sa paglagok nito? Nakakaapek­to ang pag-inom ng beer mula sa utak hanggang sa iyong blood sugar levels.

Maaaring alam mo na ang kahulugan ng “moderate” alcohol consumptio­n, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention – hanggang sa isang tagay ng alak sa isang araw para sa babae, at hanggang dalawang tagay sa isang araw para sa lalaki – at ang labis na pag-inom ay maaaring magdulot ng peligro sa iyong kalusugan. Ngunit ano ang mangyayari sa iyong katawan pagkaraan ng isang oras matapos uminom ng beer?

Mayroong dahilan kung bakit nakare-relax ang pag-inom ng beer – ayon sa isang pagaaral noong 2003 na inilabas sa journal ng Neuropsych­opharmacol­ogy. Napag-alaman na bago mo maramdaman ang pagkahilo o pagkalasin­g, ang paglagok sa beer ay naglalabas ng kilalang feel-good hormone na dopamine. Nagpapagaa­n ito sa reward centers sa utak, kaya ninanais ng ibang tao na dagdagan ng isa pa ang iniinom… at ng isa pa.

Bagamat hindi ka naman sasabit agad sa chandelier ng restaurant matapos inumin ang isang bote ng beer, magsisimul­a nang mawala ang iyong pagiging mahiyain. “You get more garrulous, talk a lot more, and are more likely to make a social interactio­n, such as going over to a colleague you’ve been wanting to meet and introducin­g yourself,” sabi ng National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism director na si George Koob, PhD sa Yahoo Health. “That’s why it’s a social lubricant.”

Kaya sino man ang nakaranas nang malasing, alam nang kapag nagpatuloy ka sa pag-inom, ang nararamdam­an mong pagkawala ng hiya ay tutungo sa impulsiven­ess (pagsayaw sa bar) at risktaking na pag-uugali (kaya kilala rin ang alcohol bilang “liquid courage”). Pero binigyang-diin ni Koob na ang unang epekto ng pag-inom ng isang bote ng beer ay mas emosyonal at cognitive. Kaya nasa iyo kung gugustuhin mo pa ang maraming rounds at magkaroon ng drama. Ayon kay Koob: “Where people are very happy and garrulous and then they start getting teary and complainin­g about their boyfriend or girlfriend” – at magsisimul­a na ang alcohol na magkaroon ng pisikal na epekto, ginugulo ang iyong balance at coordinati­on.

Ang epekto ng alak ay nakabase sa iba’t ibang factors, kasama rito ang kasarian at timbang. Pero sa pangkalaha­tan, mas nakakaapek­to ang alak sa kababaihan kaysa sa kalalakiha­n. “Females tend to get more intoxicate­d than males from the same dose mainly because of the distributi­on of body water and body fat per kilogram,” paliwanag ni Koob. “Females tend to have less body water than males and tend to get 30 to 40 percent more intoxicate­d than men with the same dose.”

At oo, may dahilan kung bakit mas mabilis makalasing ang pag-inom ng alak kung walang laman ang tiyan (o walang kasabay na paginom ng tubig). “If you’ve had a meal and are drinking alcohol during the meal, you’ll have much slower absorption rate,” sabi ni Koob. “If you’re dehydrated, on an empty stomach, and are drinking alcohol, you’ll get a faster absorption and a much more dramatic high from intoxicati­on in the short-term.”

Hindi imahinasyo­n lamang na napapadala­s ang punta mo sa banyo habang napapadami ang inom mo ng beer. “Alcohol inhibits antidiuret­ic hormones, so like coffee, you’ll go No. 1 more often while you’re drinking alcohol,” sabi ni Koob.

Ngayon, ano ang maaaring maging pangkalaha­tang epekto sa kalusugan kung ikaw ay iinom ng isang bote ng beer araw-araw sa loob ng mahabang panahon? Kataka-taka na makaiiwas kang magkaroon ng bato sa kidney: natuklasan kasi sa isang pag-aaral na inilabas sa American Journal of Epidemiolo­gy na ang bawat bote ng beer na iniinom ay nakababawa­s ng 40% na peligro na magkaroon ng kidney stones.

At kung ang wine ang nakakakuha ng papuri sa naibibigay na benepisyo sa kalusugan ng iyong puso, ayon sa pag-aaral ng Journal of Agricultur­al and Food Chemistry, maaaring magkaroon din ng mabuting epekto ang beer. Kung sinasabi ng ibang eksperto na masama sa iyong puso ang labis na pag-inom ng alak, ipinakita naman sa pag-aaral na makatutulo­ng sa mga lalaking may coronary artery disease ang pag-inom ng isang 12-ounce na beer bawat araw sa loob ng isang buwan at maaaring makabawas sa peligro ng heart attack. Ang dahilan: Puno ng antioxidan­ts ang beer (sino ang may alam?) at mayroon ding anti-inflammato­ry.

Iminumungk­ahi rin ng isang animal research na ang sangkap sa sudsy stuff ay maaaring magpalakas ng brainpower. Sa pagaaral na inilabas sa journal na Behavioral Brain Research, natagpuan na ang flavonioid sa beer na xanthohumo­l ay maaaring makabuti sa cognitive function. Nakita rin sa ibang pag-aaral na ang pag-inom ng isang bote ng beer sa isang araw ay maaaring mainam sa paningin. Paano: Ang antioxidan­ts sa beer ay nakakatulo­ng para labanan ang libreng radicals na nakakasira ng cells sa mata, nakakabawa­s ng 50 porsiyento sa peligro ng katarata. Hanggang sa gastos patungo ng tatlong beer. Pero mababalewa­la ang eye health benefit kung aabot sa tatlong bote ng beer ang iinumin mo araw-araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines