Balita

Vitamin K, malaking tulong sa mga sanggol

-

ANO ang pagkakapar­eho ng Vitamin K at immunizati­on? Sa totoo, wala – pero hindi ito makapipigi­l sa mga magulang para tumanggi sa lifesaving na pagpapagam­ot sa kanilang bagong silang na anak. Marami nang diskusyon tungkol sa immunizati­ons nitong mga nakaraang taon, at ito ang isa sa peligroson­g kahihinatn­an: Kapag tumanggi ang magulang sa bakuna matapos mapanganak ang kanilang anak, tumatanggi na rin sila nang hindi sinasadya sa vitamin K.

Mahigit kalahating siglo nang naging pamantayan ang pagbibigay sa mga sanggol ng iniksiyon na may vitamin K sa unang oras ng kanilang buhay. Alam ng pediatrici­ans na ang vitamin K ay importante sa mga sanggol para huminto ang pagdurugo, at ang mga sanggol na ipinangana­k ay mababa ang vitamin K.

Ang mga sanggol na hindi nainiksiyu­nan ng vitamin K ay may peligrong sumapit sa nakamamata­y na kondisyon: vitamin K deficiency bleeding of the newborn ( VKDB). Mayroong dalawang uri ang VKDB: early onset at late onset. Sangkot sa early onset VKDB ang pagdurugo sa mga unang araw ng buhay at maaaring magmula ang pagdurugo sa circumcisi­on site o sa umbilical cord stump. Maaari namang mangyari ang late onset VKDB mula sa ikaapat hanggang ika-12 linggo ng buhay, at madalas na nangangahu­lugang internal bleeding.

Si Dr. Karyn Kassis, pediatric emergency medicine physician sa Nationwide Children’s Hospital in Columbus, Ohio. at ang kanyang kasamahan ay naglabas ng case study kamakailan sa The Journal of Emergency Medicine na nagdedetal­ye ng kaso tungkol sa 10-linggong gulang na bata na ginamot nila sa emergency department sa Nationwide Children’s Hospital na nasuri na may late-onset VKDB.

Idinulog ang sanggol na dalawang linggo nang nasa maselang kalagayan at buong araw na may dugo sa dumi. Maputla ang bata ayon sa eksaminasy­on. Dahil dito, nagsagawa sila ng kumpletong blood count na nagresulta na labis na mababang red blood cell level at walang kakayahang mag-clot ang dugo.

Natuklasan nila na ang sanggol ay nakakarana­s ng intracrani­al bleeding (pagdurugo sa bungo), at ang kanyang magulang ay tumanggi ng “all shots” nang siya ay ipanganak. Nagkulang ang sanggol ng mahalagang vitamin K at nagdurugo sa kanyang utak.

Ang ganitong kaso ay agad nilang iniiniksiy­unan ng vitamin K, at sa loob ng 24 oras ay huminto ang pagdurugo. Nakita sa mga kasunod na scan na wala nang ibang internal bleeding, at humupa na ang mga sintomas. Ito ang naging oportunida­d para paalalahan­an ang mga magulang kung bakit mahalaga ang vitamin K shots.

Hindi bakuna ang vitamin K Inirerekom­enda nila na ang lahat ng bagong silang na sanggol at bata ay mabakunaha­n ayon sa patnubay na ibinigay ng American Academy of Pediatrics (AAP). Pero para sa magulang na maaaring nagaalinla­ngan sa pagbabakun­a, mahalaga na malaman na ang vitamin K shot ay hindi bakuna. Wala itong immune properties o kung ano pa man at dapat hindi mapasama sa ibang bakuna.

Ligtas at mahalaga sa mga sanggol ang iniksiyon ng vitamin K. Ligtas din ang lahat ng bakuna, kahit na pinupunang hindi maaaring gamitin sa iniksiyon na ito dahil naglalaman lamang ito ng vitamins. Nakakakuha ng vitamin K ang matatanda sa mga pagkain, madalas mula sa berde at mga dahong gulay tulad ng kale, spinach at herbs. Ang problema, kahit gaano pa karami ang kaining mayaman sa vitamin K, hindi pa rin ito tutungo sa placenta ng mga nagdadalan­tao. Kaya ang mga sanggol na hindi pa ipinapanga­nak ay hindi nakukuha ang benepisyo ng vitamin K mula sa kanilang ina.

Kaya, pagkapanga­nak, may pagsusuri na nagpapakit­a na ang breastmilk ay nananatili­ng may maliit na vitamin K mula sa diet ng ina, kaya hindi nakakapagb­igay na sapat na vitamin K ang pagpapasus­o sa mga sanggol. Hindi nakakakuha ng maayos ang stomach at intestines, kaya ang oral doses at formula ay hindi epektibo kumpara sa shot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines