Balita

NCAA All-Stars, mag-iinit

- Angie Oredo

Nakatuon ang pansin sa papa-angat na sina Jio Jalalon ng Arellano University, Arthur dela Cruz ng San Beda at si Bright Akhuetie ng Perpetual Help sa isasagawa ngayon na NCAA All-Star Game sa The Arena sa San Juan City.

Sina Jalalon, dela Cruz at Akhuetie ang inaasahang pupuno sa nabakanten­g lugar nina Earl Scottie Thompson, ang kasalukuya­ng MVP na umatras sa huling sandali dahil sa sakit sa likod sa pagtatapat ng East Team kontra West squad sa pamumuno ng high-scoring troika nina Kevin Racal, Mark Cruz at Rey Nambatac ng Letran.

Sina Jalalon, dela Cruz, Akhuetie at Thompson ang naglalaban-laban naman sa masikip na MVP statistica­l race.

Kasama sa East Team ang mula-Arellano na si Zach Nicholls at Kent Salado, ang San Beda na si Ryusei Koga at Michole Sorela, ang San Sebastian na si Bradwyn Guinto, Jamil Ortuoste at Michael Calisaan, ang Jose Rizal na si Tey Teodoro, Abdul Razak Abdul Wahab at Jordan dela Paz at ang mula Perpetual Help na si Gab Dagangon.

Papalitan ni John Ylagan ang puwesto na iniwan ni Thompson.

Ang ibang miyembro ng West Team ay ang Lyceum na sina Joseph Gabayni, Wilson Baltazar at Shaq Alanes, ang Mapua na si Allwell Oraeme, JP Nieles at Justin Serrano, ang St. Benilde na si Jonathan Grey, Pons Saavedra at Jeffrey Ongteco at taga-Emilio Aguinaldo na sina Francis Munsayac, Sydney Onwubere at Christ Mejos.

Sisimulan ang All-Star festivitie­s ganap na alas-2 ng tanghali kung saan ihahayag din ang magwawagi bilang Ms. NCAA at ang pagsasagaw­a ng three-point shootout at slam dunk competitio­n.

Unang isinagawa noong nakaraang taon ang All-Star Game na naging matagumpay upang muling isagawa ngayong taon at kung saan sinabi ni league Management Committee chair Melchor Divina ng Mapua na isasagawa na ang aktibidad kada taon.

Ipagtatang­gol ni St. Benilde Travis Jonson ang kanyang three-point shootout title habang nag slam dunk title ay pag-aagawan ng nakalinyan­g mga dayuhang import na sina American Dioncee Holts ng Arellano at Mustapha Yankie Haruna ng College of St. Benilde, ang Nigerian na si Allwell Oraeme ng Mapua at Prince Eze ng Perpetual Help at ang Cameroonia­n na si Laminou Hamadou.

Magbabalik din ang taga-Lyceum na si Jebb Bulawan at mula Letran na si Rey Publico upang kumpletuhi­n ang kanilang hindi nagawa noong nakaraang taon na nabigong iuwi ang korona kontra sa Cameroonia­n na si Arnaud Noah ng San Beda sa tampok na slam dunk.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines