Balita

Fil-am cager, nagnakaw ng eksena sa first day ng PBA Draft Combine

- Ni MARIVIC AWITAN

Isang ‘di gaanong kilalang Fil-am cager ang nagnakaw ng eksena kontra sa kanyang mga mas popular na kapwa draft aspirants sa unang araw ng PBA Draft Combine sa Hoops Center sa Mandaluyon­g City noong Miyerkules.

Nanguna ang 27- anyos na dating manlalaro ng University of Southern California Trojan na si Ryan Wetherel sa tatlo sa apat na performanc­e tests na pinagdaana­n ng mga draft applicants upang makuha ang atensiyon ng mga PBA coaches.

Naitala ng dating US NCAA Division I player na si Wetherell ang pinakamabi­lis na oras na 3.22 segundo sa 3/4 court sprint kung saan tinalo nya si dating University of Santo Tomas stalwart at naging leading scorer ng Tanduay Light sa PBA D League na si Aljon Mariano na naorasan ng 3.25 segundo at mga dati ring D League players Jawhar Purdy at Jansen Rios na kapwa nagtala ng 3.29 segundo.

Siya rin ang pinakamabi­lis sa isinagawan­g lane agility test kung saan sya naorasan ng 10.8 segundo kasunod ang PBA D League Foundation Cup champion Cafe France Fil- Nigerian guard na si Maverick Ahanmisi na nagtala ng 11.2 segundo at pangatlo si Mariano na naorasan ng 11.5 segundo.

Tinalo rin niya ang mga kapwa aspirant sa vertical leap makaraang makatalon ng taas na 43 inches.

Sumunod sa kanya si Cagayan Valley Rising Suns high leaping forward na si Jason Melano na nakatalon ng 41 inches at pangatlo ang isa pang Fil-Am na si Kris Rosales na nakatalon naman ng taas na 39.5 inches.

Sa pang-apat na performanc­e test ay nangibabaw naman ang dating National University guard na naglaro rin sa Tanduay sa D League na si Robin Roño.

Si Roño ang tinanghal na mayroong fastest reflexes matapos magtala ng .366 segundo.

Dahil sa ipinakita ni Wetherel, tiyak na aantabayan­an din ng mga coaches ang ipapakita nito sa scrimmages na papatapos pa lamang habang sinusulat ang balitang ito kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines