Balita

Ateneo at NU, kapwa pumasok sa semi-finals sa Spiker’s Turf

- Marivic Awitan

Parehong pumasok sa semifinals ang reigning UAAP champion Ateneo de Manila at dating kampeon na National University (NU) matapos na masungkit nito ang kani-kanilang ikalawang panalo sa quarterfin­als ng Spiker’s Turf Season I Collegiate Conference sa San Juan Arena.

Hindi natinag ng 41- puntos na produksiyo­n ni reigning NCAA champion Howard Mojica ng Emilio Aguinaldo College ang Blue Eagles at pinataob ang Generals,25-21, 20-25, 25-23, 25-23.

Nagposte ng 25 puntos ang UAAP back to back MVP na si Marck Espejo upang giyahan ang Ateneo sa pag-angat sa barahang 5-0 at pormal na pagsalta

sa susunod na round.

Ang kabiguan naman ang ikatlong sunod para Generals na bumagsak sa kartadang 2-3 panalo.

Ginapi naman ng National University ang College of St. Benilde, 22-25, 25-18, 28-26, 28-26 para kasamang pumasok ng Ateneo sa semifinals.

Pinangunah­an ni Madzlan Gampong ang naturang panalo ng Bulldogs na nag-angat sa kanila sa barahang 5-0 sa ipinoste nitong 21puntos.

Nangangani­b naman ngayong mapasama sa maagang magbabakas­yon ang Blazers na pinangunah­an ni Johnvic de Guzman na may 18 puntos sa pagbaba nila sa 1-4, panalotalo­ng kartada.

Samantala sa isa pang laro, inungusan ng National College of Business and Arts ang De La Salle University, 25-27, 22-25,25-22, 25-23, 15-9 para tumabla sa ikatlong posisyon sa kanilang biktima.

Nagsalansa­n ng 19 puntos si John Paul Domingo upang pamunuan ang Wildcats sa pagkopo ng ikalawang panalo na nagtaas sa kanila sa patas na barahang 2-2 kapantay ng Green Spikers na pinangunah­an naman ni Reymark Woo na umiskor ng 18 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines