Balita

Malacañang: ‘Wag ipagbili ang boto

- Ni Genalyn D. Kabiling

Hangad ang malinis at maayos na halalan sa susunod na taon, nanawagan ang Palasyo sa publiko na huwag ipagbili ang kanilang boto sa pagpili ng kanilang kandidato.

Ito ang iginiit ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Secretary Herminio Coloma Jr. isang araw matapos sabihan ni Vice President Jejomar Binay ang publiko na tanggapin ang suhol ng mga kandidato.

“Naninindig­an ang pamahalaan sa pagdaraos ng isang maayos, tapat at makabuluha­ng halalan na katanggap tanggap sa sambayanan,” pahayag ni Coloma sa text message.

“Sa ganyang kaayusan, may tungkulin din ang mga mamamayan na ipagtanggo­l nila ang integridad ng kanilang sariling pagboto,” dagdag ni Coloma.

Samantala, naniniwala si Presidenti­al Spokesman Edwin Lacierda na konsensiya pa rin ang paiiralin ng mga botante sa kanilang pagpili sa mga susunod na leader ng bansa.

“People will make the right choice freely and know who is the candidate that will continue to improve their welfare,” ayon kay Lacierda.

Sa kanyang pagbisita sa Sultan Kudarat kamakailan, pinayuhan ni Binay ang mga botante na tanggapin ang suhol ng mga kandidato subalit iboto pa rin ang kanilang napupusuan.

Pinasaring­an ng leader ng oposisyon ang administra­syon na magbubuhos ng malaking pondo upang suhulan ang mga botante para maipanalo ang manok ng partido nito sa 2016.

“Nakakahiya naman dun sa nagbibigay. Tanggapin ninyo ‘yung pera, ilagay n’yo sa bulsa, bumoto sang-ayon sa inyong kursunada. After all, ang perang iniaabot sa inyo na pambili ng inyong boto, pera po ‘yan ng bayan,”giit ni Binay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines