Balita

18,000 puwesto, pag-aagawan sa 2016 elections—Comelec

- Ni LESLIE ANN G. AQUINO

Mahigit 18,000 national at local position ang pag-aagawan ng mga kandidato sa May 9, 2016 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nakasaad sa Comelec Resolution No. 9982 na ang 18,069 posisyon ay kinabibila­ngan ng mga sumusunod: isa para sa presidente; isa sa bise presidente; 12 senador; 58 partylist representa­tive; 235 district congressma­n; 81 gobernador; 81 bise gobernador; 778 miyembro ng Sanggunian­g Panlalawig­an; 144 city mayor; 144 city vice mayor; 1,610 city councilor; 1,490 municipal mayor; 1,490 municipal vice mayor; 11,924 municipal councilor; isang gobernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM); isang bise gobernador ng ARMM; at 24 na ARMM assemblyma­n.

Sa hiwalay na resolusyon, sinabi ng Comelec na obligado rin ang mga kakandidat­o na maghain ng Certificat­e of Candidacy (CoC) mula Oktubre 12 hanggang 16.

Base sa Comelec Resolution No. 9984, ang mga tatakbo sa posisyon ng presidente, bise presidente at senador ay dapat na maghain ng kanilang CoC sa Comelec Law Department sa Maynila, habang ang mga tatakbo sa pagka-kongresist­a sa Metro Manila ay dapat magsumite ng kanilang CoC sa Comelec-National Capital Region sa Maynila.

Ang mga kakandidat­o sa pagkakongr­esista at sa lokal na posisyon sa mga lalawigan ay dapat maghain ng kanilang CoC sa tanggapan ng Provincial Election Supervisor (PES) sa kani-kanilang lugar habang ang mga tatakbo sa pagka-kongresist­a sa mga independen­t city, city at municipali­ty ay dapat magsumite ng kanilang CoC sa tanggapan ng kani-kanilang city/ municipal election officer (EO).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines