Balita

Fishkill sa Dagupan City: Palaisdaan, maagang naghahango

-

–Tone-toneladang isda ang mabilisang hinahango simula noong Martes sa mga barangay ng Salapingao at Pugaro dito dahil sa presensiya ng low dissolved oxygen sa mga tubig bunga ng kasalukuya­ng neap tide na nagdudulot ng halos hindi paggalaw ng tubig sa mga ilog, look at maging sa mga palaisdaan ngayon.

Sa isang ulat mula sa mga fieldman ng City Agricultur­e Office (COA) dito na hindi pa nakukumpir­ma ng kanilang hepe na si Emma Molina, mabilisang hinahango ng mga magsasaka ang kanilang mga isda simula noong Martes ng gabi sa takot na mamamatay ang mga ito dahil sa low dissolved oxygen sa mga tubig na dulot ng neap tide.

Karamihan ng mga hinangong isda na kinabibila­ngan ng mga bangus, siganid (malaga), grouper at sea bass, na pinalalaki sa mga palaisdaan, ay kinailanga­ng hanguin nang mas maaga o mamamatay ang mga ito dahil sa mababang supply ng low oxygen sa mga tubig lalo na sa madaling araw na labis na ikalulugi ng mga fish farmer.

Ang mga isda na maagang inihango ay isinakay sa mga bangkang de motor at dinala sa Dagupan Fish Market para ipagbili ngunit hindi pa nababatid ang kanilang epekto sa presyo ng isda.

Ang mga isda sa palaisdaan ay hindi lamang apektado ng mababang supply ng dissolved oxygen kundi maging ng mataas na salinity ng tubig dahil sa mainit na panahon sa kabila ng namamayani­ng kondisyon sa pagpasok ng Bagyong Ineng sa hilagang silangang bahagi ng bansa.

Hindi pa nababatid kung nangyayari rin ang fishkill sa kanluran ng Pangasinan kung saan matatagpua­n ang mas malalaking palaisdaan na nagpaparam­i ng mga bangus at mamahaling isda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines