Balita

Ilagan City, idineklara­ng ‘Corn Capital of the Philippine­s’

- Wilfredo Berganio

- Mariin na binati ni Isabela Gov. Faustino G. Dy III ang pamunuan ng City of Ilagan sa pamumuno ni City Mayor Josemarie L Diaz, DMD; Vice Mayor Vedasto D. Villanueva at mga miyembro ng Sanggunian­g Panlungsod nito matapos pormal silang idineklara ng Department of Agricultur­e noong Agosto 11, 2015 sa pagdiriwan­g ng kanilang ikatlong anibersary­o bilang Corn Capital of the Philippine­s.

Sa bisa ng isang memorandum, inendorso ni Assistant Sec. Edilberto M. De Luna, national corn program coordinato­r kay Department of Agricultur­e Proceso J. Alcala kalakip ng Resolution 20 na pirmado ni Ilagan City Mayor Diaz na humihiling na ideklara ang naturang siyudad bilang Corn Capital of The Philippine­s.

Isinasaad ng naturang resolution na ang Ilagan ay may corn area na 17,568 ektarya at umaabot sa 12,708 ang natatanima­n at nag- aani ito ng 168.774 metric tons kada taon. Pinagbaseh­an pa rin ng DA ang pagiging Top 25 Outstandin­g Cities/Municipali­ties nila sa National Corn Achievers Award noong 2013 at 2014.

Sinabi naman ni City Mayor Diaz na higit nilang pagbubutih­in ang pagtatanim ng mais upang mapunan nila ang supply hindi lamang sa mga karatig na lalawigan at Metro Manila kundi maging sa buong Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines