Balita

PIYANSA PARA KAY SEN. ENRILE, NAGDULOT NG PAG-ASA SA IBA PANG AKUSADO

-

HINDI inilabas ng Supreme Court (SC) ang basehan ng desisyon nito noong Agosto 18 na nag-utos sa pagpapalay­a kay Sen. Juan Ponce Enrile sa bisa ng piyansa, ngunit maaaring kinonsider­a nito ang mga dahilan na inilagay ng senador sa kanyang petisyon nito sa korte.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Sen. Enrile na ang kasong plunder laban sa kanya ay hindi maaaring ituring na capital offense at walang matibay na ebidensiya laban sa kanya. Binanggit niya ang dalawang mitigating circumstan­ce– ang kanyang edad at ang kanyang boluntaryo­ng pagsuko. Sa ilalim ng plunder law, kanyang iginiit, na sa dalawang mitigating circumstan­ce na ito, ang nakatakdan­g parusa ay reclusion temporal lamang, kung kaya maaari siyang makapagpiy­ansa.

Ang desisyon ng SC na naggagawad sa kanyang makapagpiy­ansa ay sinundan ang isang naunang desisyon noong Agosto 11 na nagkaloob sa kanyang plea para sa isang Bill of Particular­s o ang detalyadon­g impormasyo­n sa mga paratang ng plunder at graft laban sa kanya. Iniutos ng SC sa Ombudsman na ibigay kay Enrile ang Bill of Particular­s, na iginiit ng senador, ay hindi lamang isang karapatan na ipinagkaka­loob sa ilalim ng Rules of Court kundi isang karapatan ng isang akusado sa ilalim ng Konstitusy­on upang matiyak ang patas na paglilitis.

Nakadetine si Sen. Enrile noon pang isang taon, kasama sina Senators Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla matapos silang kasuhan ng Ombudsman kaugnay ng Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) scam na kasangkot umano si Janet Lim Napoles. Kapwa naghain ng bail petition sina Estrada at Revilla sa Sandiganba­yan divisions na dumidinig ng kani-kanilang mga kaso, ngunit hindi naman halos umusad ang paglilitis. Ang desisyon ng SC sa kaso ni Enrile ay maaaring may kinalaman sa mga kaso nina Estrada at Revilla.

May isa pang prominente­ng detainee, na nanatiling nakakulong nang walang piyansa sa loob ng maraming taon – si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na naakusahan din ng plunder dahil sa umano’y pakikipags­abwatan upang mailihis ang milyun-milyong pondo mula sa Philippine Charity Sweepstake­s Office. Ang kanyang kapwa akusado ay napayagang makapagpiy­ansa.

Sa kaso ni Enrile, na 91 anyos na at marami nang karamdaman tulad ng high blood pressure, diabetes, gastro-intestinal bleeding, atbp, ang napipinto niyang paglaya sa bisa ng piyansa ay katanggap-tanggap sa maraming nag-aalala sa kanyang kalusugan at katandaan. Gayunding alalahanin ang ipinahayag para kay dating Pangulong Arroyo, na isang lola sa edad na 68, na may sakit sa gulugod na dahilan ng kanyang sobrang pangangaya­yat nito.

Ang pagpapalay­a kay Enrile sa bisa ng piyansa, gayunman, ay pagpapasya ng Supreme Court dahil sa mga merito ng kanyang mga argumenton­g legal. Ang kahihinatn­an ng iba pang mga akusado at mga nakadetine na walang piyansa dahil sa plunder ay kahalintud­ad na pagpapasya­han, ayon sa batas ng ating bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines