Balita

EXERCISE NG MGA AYAW MAG-EXERCISE

- Vivi Patron

KUNG alam mo namang hindi ka physically fit at ang pinaka-exercise mo na ay ang paglalakad mula inyo hanggang sakayan papasok sa iyong eskuwela o opisina, talagang katatamara­n mo ang anumang payo sa iyo na mag-exercise.

Kung tutuusin, ang mga magazine, aklat, at mga blog tungkol sa exercise ay isinulat ng mga physically fit, yaong mga patpatin, maskulado, mga halos hindi na kumakain... At kung minsan, nakaiirita na sila, ‘di ba?

Tiyak ko naman na hindi nila nilalayon na mang-inis, kahit mukhang mga diyosa at adonis ang kanilang mga katawan sa pabalat ng kanilang mga magazine. Ibinabahag­i lamang nila ang kanilang napatunaya­ng karunungan at pagmamahal sa buhay. Ngunit ang problema lang, paano mo susundin ang kanilang mga payo kung tinatamad ka? At mas madaling sumuko kapag napagod ka agad sa simula pa lamang ng iyong pag-eehersisyo. Siyempre ayaw mong tumagal sa loob ng gym, lalo na kung nakikita mo ang mga physically fit na parang hindi na nila kailangan magexercis­e. At sure din ako na ayaw mong magkaroon ng katawan na pang-magazine cover.

Ang gusto mo lang ay ang maging komportabl­e – yaong tipong kaya mong tumakbo habang hinahabol mo ang paalis na bus, o umakyat sa pagkarami-raming hakbang ng footbridge nang hindi hinihingal, o bumuhat ng mabibigat na pinamili ng nanay mo habang hindi siya humihinto sa kaiikot sa palengke. Gusto mong maging healthy kahit kaunti at mas masigla.

Sa totoo lang, hindi mo kailangang maging addict sa exercise para maging healthy. Hindi rin mahirap magbago mula sa pagiging Juan Tamad hanggang maging komportabl­eng fitness.

Simulan mo ang pag-eehersisyo nang paunti-unti. Huwag agad maging masigasig, dahil maaaring masaktan mo lang ang iyong sarili o mapagod agad at sumuko. Ang kaunting exercise ay mas mainam kaysa wala.

Ipagpapatu­loy natin bukas ang maganda at kapaki-pakinabang na paksa natin. Sa halip na katamaran mo ito, subaybayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines