Balita

Araw ng Disiplina

- Ni ARIS R. ILAGAN

Every day is a new day, ika nga. Ganito ang buhay pasahero. Sa bawat araw, hindi mo alam kung ano ang hinaharap mo. Bagamat regular mo nang ginagawa ay mayroon pa ring mga insidente na bumubulaga sa iyo. Kailangan talaga ang dasal, taimtim na dasal bago umalis ng bahay sa umaga at sa pag-uwi sa gabi.

Sa usapin ng dasal, maging si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay nauubos na rin ang pasensiya sa araw-araw na mabigat na trapik sa Metro Manila. Marahil dahil dito, maging siya ay nale-late na rin sa kanyang mga appointmen­t at pagsasagaw­a ng banal na misa.

Nanawagan ang Cardinal ng mas mahabang pasensiya sa mga biyahero at motorista na araw-araw na naiipit sa trapik na walang kalaban-laban.

Bukod dito, umapela rin ang lider ng Simbahang Katoliko ng panunumbal­ik ng disiplina hindi lamang sa motorista, pedestrian subalit lahat ng mamamayan na naaapektuh­an ng lumalalang problema na ito.

Bumalik tayo sa isyu ng disiplina, ilang ulit ko nang iminungkah­i sa aking mga kasamahan ang isang posibleng solusyon. Posibleng tawagin n’yo akong-sira ulo kapag ibinahagi ko sa inyo ito ngunit umaasa pa rin akong mayroong kakagat sa aking rekomendas­yon. Baka rin tawagin n’yo na akong “addict.” Wala akong pakialam. Dahil kung iisipin natin, maging ang gobyerno ay tila wala na ring solusyon lalo na’t abala na ang mga taga-Malacañang sa pangangamp­anya bitbit pa si Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino. Tatawagin ko itong “Araw ng Disiplina.” Sinabi na rin ni Cardinal Tagle na dahil sa matinding trapik, wala nang sumusunod sa batas. Kanya-kanyang singit, binabaraha­n ang intersecti­on bagamat pula na ang traffic light.

Busina nang busina. Bagamat nakarirind­i na ay wala pa ring tigil. Kapag tinitigan mo ang pasaway na driver ay titingin lang siya sa kisame ng sasakyan at magkakamot ng ilong.

Sa tuwing ginagawa natin ito araw-araw ay aakalain ng ating mga anak, lalo na ‘yun mga nasa murang edad, na walang mali sa ating inaasal sa kalye.

Bumabaon sa kanilang utak ito at malaki ang posibilida­d na gagawin din nila ito sa kanilang pagtanda. Ngayon, may pag-asa pa ba tayong magkaroon ng disiplina?

Kasabay ng panalangin ni Cardinal Tagle, na kilalang malapit na kaibigan ni Pope Francis, marahil ay susuportah­an ng Panginoon ang panukalang ito.

Bakit hindi natin simulan ang disiplina sa ating sarili? Sa isang araw lang, isang araw lang po, ay sumunod tayo sa batas trapik upang makita natin ang kaibahan sa nangyayari­ng kaguluhan sa lansangan.

Sana’y mabasa ni Cardinal Tagle ito at siya mismo ang manawagan: “Makibahagi tayo sa Araw ng Disiplina.” Kapag pumalpak sa una, mayroon namang ikalawang pagkakatao­n. Kapag pumalpak sa ikalawa, mayroon pa namang ikatlo at marami pang ibang araw upang isulong ang road courtesy, pagsunod sa traffic regulation, paggalang sa traffic enforcer at iba pa.

Maglagay ng maliit na puting bandera sa kani-kanilang sasakyan ang mga nais makibahagi sa “Araw ng Disiplina.”

Ang punto rito, huwag nating pigilan ang ating layuning maibalik ang disiplina sa ating sarili. ‘Wag na nating idaan sa mga pulitiko at marahil ito ay pagkakitaa­n pa bilang isyung pang-eleksiyon.

Sana ay may magbigay sa akin ng cell phone number ni Cardinal Tagle upang siya ay ma-text ko hinggil dito.

Mahal kong Panginoon, pakikalabi­t naman si Cardinal Tagle…please!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines