Balita

JM at Jessy, may problema sa relasyon

RELASYON KAY JESSY, MAY PROBLEMA

- Ni REGGEE BONOAN

SA sandaling panayam kay JM de Guzman pagkatapos ng special screening ng drama fantasy series na All of Me noong Lunes ng gabi ay inamin niyang may mga kinakahara­p silang problema ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Pero pinabulaan­an niyang nasa panganib ng pagkasira ang kanilang relasyon.

Lately kasi, dahil sa mga post na quotations ni Jessy sa Instgram ay napansin ng mga nakababasa na tila on the rocks ang pagsasama nila ni JM na bisi-bisihan ngayon sa seryeng All of Me (isang buwan silang nagshoot sa magandang isla ng Subic, Zambales).

Ayon kay JM, si Jessy ang kanyang lucky charm kaya muli siyang nakabalik sa showbiz pagkalipas ng ilang taong pagkawala.

“Oo naman, si Jessy (ang lucky charm niya). ‘Yung love ko sa kanya ay isa sa mga basehan ko ng love din, eh. She inspires me before noong nag start ulit ako, siya ‘yung nagpu-push sa akin na kaya pa ‘yan,” seryosong pahayag ng aktor.

Sinabi rin ni JM na iniingatan niya ang second chance na ibinigay sa kanya ni Jessy kaya ayaw na niyang magkamali o maligaw ng landas.

“Dati mas naka- focus kami do’n sa ( baka) mawalan kami ng trabaho. Ngayon meron na kaming pinapahala­gahan at inaalagaan na intimate na sa amin dalawa lang at binibigyan namin ng importansy­a ‘yun,” paliwanag ni JM. At tungkol sa mga IG post ni Jessy: “Mahilig lang mag-quote ng mga songs talaga si Jessy ever since kahit noon sa BBM (BlackBerry Messenger) ‘yung mga status niya about sa kanta. Oo, meron din naman po (mga tampuhan), hayun, siyempre she expects a lot from me, so minsan hayun, nagbibigay pero gano’n, eh. Mahal ko siya.”

Nabanggit din ng All of Me lead actor na, “Nawawala ako minsan sa dapat kong i-focus kasi minsan kinakain ako ng pressure, takot na magkamali, gusto kong ibigay ang best ko, be true to myself. Pero sobrang supportive nu’ng team. Naiintindi­han nila ako, tinutulung­an nila ako.

“Siyempre gusto kong magpasalam­at una kay Lord na binigay Niya sa akin ‘to, wala na to dapat pero ‘binigay Niya sa akin ito. Sa family ko na umaasa sa akin at sa lolo ko na (masayang) nakita ako ulit sa TV, para rin sa sarili ko at ma-prove ko sa magiging anak ko na hindi ako bumagsak lang, bumangon din ako.”

Ginagampan­an ni JM sa All of Me ang bumatang si Manuel ( Albert Martinez) na napunta sa islang tahanan ng diwata na minahal ng tatay-tatayan niyang si Jaime Fabregas. Pinagbigya­n ng diwata ang pakiusap ni JM na ibalik na siya sa mundo dahil nangangani­b ang buhay ng asawa niyang si Lena ( Yen Santos) sa kundisyon na susundin niya ang lahat ng utos ng diwata.

Pero pagbalik ni Manuel (JM), may ibang lalaki na sa buhay ng asawa, si Henry ( Aaron Villaflor) na best friend niya.

Unang tambalan nina JM at Yen ang All of Me at bilib ang aktor sa dalaga.

“Hands down, sobrang galing ni Yen, sobrang galing nilang lahat. Sobrang suwerte ako na naging part ako ng show.”

Tulad nina Albert at Yen, kinikilig din si JM habang pinapanood ang intimate scenes ng dalawa kahit hindi siya ‘yung Manuel na nasa eksena.

“Kinikilig din ako sobra kay Tito Albert. Alam mo ‘yung sa videoke na may kumanta na sobrang galing ‘tapos ikaw ‘yung next? Parang ayaw ko na lang kumanta, parang ganun ‘yung pakiramdam,” sabi ng aktor.

Hoy JM, hindi magiging madamdamin ang mga ligawang eksena nina Mahuel at Lena ( Albert at Yen) kung hindi pinatutugt­og sa background ang version mo ng All of Me na napakasuwa­be.

Mas maganda pa nga ang version ni JM kaysa sa orihinal na kumantang si John Legend.

Mapapanood na ang All of Me sa Lunes, Agosto 31 sa Kapamilya Gold sa direksiyon ni Dondon Santos.

 ??  ??
 ??  ?? JM at Yen
JM at Yen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines