Balita

Abogado mula sa Oriental Mindoro, kakandidat­ong pangulo

- Ni JUN FABON

Buong tapang na tinanggap ni Atty. Apolonia A. Comia-Soguilon, ng Socorro, Oriental Mindoro, ang hamon ng mga katutubo at grupong relihiyoso sa lalawigan, na tumakbo siya sa pagkapangu­lo, sa ilalim ng Philippine Green Republican Party (PGRP) sa 2016 election.

Sa simpleng seremonya at inagurasyo­n ng grupo sa Tandang Sora, Quezon City kamakailan, buong pusong tinanggap ni Soguilon ang hamon ng mga dumalo sa pagtitipon ng mga miyembro at tagasuport­a ng PGRP.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Soguilon na dahil sa kanyang karanasan sa paglilingk­od bilang legal counsel ng mga maralita, nagdeklara siyang tatakbo sa pagkapangu­lo ng Pilipinas sa halalan sa Mayo 2016 upang makatulong sa mas maraming mamamayan.

Aniya, sakaling magwagi sa halalan, pangunahin niyang pagtutuuna­n ng pansin ang pinagugata­n at kalutasan ng problema na may kaugnayan sa pangkabuha­yan, pulitika at panglipuna­n.

Sinabi ng abogada na ito ang tunay na daan tungo sa kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan.

Ayon pa kay Soguilon, ang katiwalian ang karaniwang mitsa ng kahirapan ng mamamayan at dapat itong sugpuin nang walang pag-aalinlanga­n.

Iginiit ng abogada na ang kalutasan ay isang leader na tapat at may moralidad, may kaalaman sa batas, may malasakit sa kapakanan ng mamamayan, lalo na ng mahihirap, may maalab na pagmamahal sa bayan, may matibay na paninindig­an na ipatupad ang batas, may karanasan sa serbisyopu­bliko, at may takot sa Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines