Balita

‘BUAHANAN 2015’, ANG IKA-36 NA LANZONES FESTIVAL

-

ANG Ika-36 na Lanzones Festival, na tinatawag na Buahanan 2015, ay ipinagdiri­wang tuwing Oktubre 18-25 sa islang lalawigan ng Camiguin bilang pasasalama­t sa masaganang ani at sa pagiging pangunahin­g dinarayo ng mga turista sa Northern Mindanao. Ang Lanzones (lansium domesticum), na kilala rin bilang langsats, ay isang uri ng puno sa grupo ng mga halamang Mahogany, at ang mga bungang prutas ay sa mga paborito ng mga Southeast Asian, kabilang na ang mga Pilipino.

May temang “Kinaiyahan Atong Amping Kalamboan Alang Sa Tanan,” (Ingatan ang Kalikasan para sa Kaunlaran ng Lahat), tampok sa kapistahan ang iba’t ibang aktibidad—walk for a cause, lanzones eat-all-you-can, “kabog” at music showdown, mga larong katutubo, agro-industrial tourism-trade fair, street dancing, parada, cultural show, Mutya sa Buahanan beauty pageant, at Octoberfes­t – na nakatuon sa mayamang kasaysayan, mga tradisyon, at pagiging paborable ng lalawigan sa pamumuhuna­n. Dumadagsa ang mga lokal at dayuhang turista sa Camiguin, ang “Island of Your Imaginatio­n,” par magsaya at kumain ng masarap na ginintuang prutas na sagana ang taniman sa mga bakuran ng mga taga-lalawigan.

Ang Lanzones ang pangunahin­g pinagkakak­itaan sa Camiguin, ang pinagmulan ng pinakamata­mis na prutas. Ang Laguna ay may sariling Paete-Taka-Lanzones Festival na idinadaos tuwing ikatlong linggo ng Setyembre. Ngunit sa Camiguin masusumpun­gan ang pinakamasa­yang pagdiriwan­g para sa lanzones. Pinalalamu­tian ng mga residente ang kanilang mga tahanan, mga bintana, mga kalsada, mga parke, at mga poste ng mga bunga at dahon ng lanzones, gaya ng Pahiyas Festival ng Quezon.

Nagiging makulay at buhay na buhay ang mga lansangan sa pagsasayaw ng mga Camiguinon, habang nakasuot ng costume ng mga tribu sa Mindanao, at may bitbit na langkay-langkay ng matamis at masarap na lanzones. Isinasadul­a ng sayaw ang alamat ng isang magandang diwata na minsang bumisita sa probinsiya para alisin ang pait ng prutas sa pamamagita­n ng pagpindot dito, na mababakas sa prutas, at napalitan ang lasa nito at naging matamis na. Sa isa pang alamat, isang mag-asawang walang anak ang humingi ng tulong sa diwata. Nagsilang ang babae ng sanggol na lalaki, ngunit nakalimuta­n ng magasawa na magpasalam­at sa diwata. Hinipo ng isang matandang babae ang bata ay nagiging masasakiti­n ito. Nasa isip na ang diwata ang may kagagawan nito, nagsagawa ng rituwal ang mag-asawa, at bumuti ang lagay ng bata. Dahil dito, inimbitaha­n ng mag-asawa ang kanilang mga kapitbahay sa isang ritwal ng pasasalama­t, na siyang taunang selebrasyo­n sa ngayon.

Ang lanzones ay isang prioridad na high-value commercial crop. Ayon sa mga nutritioni­st, ang prutas ay sagana sa Vitamin A at beta carotene, kakaunti ang calories at mayaman sa fiber. Sinabi naman ng Encycloped­ia of Natural Medicine na mabisang pantaboy sa lamok ang sinunog na pinatuyong balat ng lanzones. Ang balat ng puno ay maaaring magbigay-lunas sa diarrhea, at ang bungang lanzones ay nakatutulo­ng magpagalin­g ng lagnat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines