Balita

Comelec chief: 2016 polls, pinakaorga­nisado

- Mary Ann Santiago

Ipinagmala­ki ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang matagumpay na pagdaraos ng eleksiyon nitong Mayo 9.

Sa kanyang opening statement bago ang proklamasy­on sa 12 nanalong senador, sinabi ni Bautista na bagamat maituturin­g na pinaka-divisive at ‘vicious’ ang katatapos na eleksiyon, ito rin, aniya, ang pinakaorga­nisado at pinakaepis­yente sa kasaysayan ng bansa.

“The 2016 elections was probably the most divisive and vicious, and also most organized and efficient we have had,” ani Bautista. “We responded to critics with transparen­cy, consultati­on, and genuine engagement.”

Masaya ring iniulat ni Bautista na nakapag-transmit sila ng 96.14 na porsiyento ng election returns sa transparen­cy server, na mas mataas sa transmissi­on noong 2010 (90%) at 2013 (76%) polls.

Ipinagmala­ki rin niya ang matagumpay na pagdaraos ng mga presidenti­al at vice presidenti­al debate, na una sa loob ng 24 na taon at malaki, aniya, ang naitulong upang mapili ng mga Pilipino ang tamang iluluklok sa puwesto.

Gayundin, sinabi ni Bautista na naitala ngayong taon ang pinakamabi­lis na vote transmissi­on rate, na 60% ng mga boto ay agad na nai-transmit hanggang 8:00 ng gabi ng Mayo 9.

Mas mataas rin, aniya, ang voter turnout na umabot sa mahigit 84%, bukod pa sa mas marami ring overseas absentee voters ang bumoto ngayong taon, na nasa mahigit 400,000.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines