Balita

KAILANGANG AMYENDAHAN ANG BATAS PARA SA ILANG MAHAHALAGA­NG PAGBABAGO

-

ALINSUNOD sa kanyang ipinangako noong kampanya na susugpuin niya ang kriminalid­ad at ang pagkalat ng ilegal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, iminungkah­i ni presumptiv­e President Rodrido Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan dahil inaasahang mapipigila­n nito ang krimen. Iminungkah­i pa niya na pagbibigti ang igawad na parusa, sa halip na lethal injection, na naging kapalit naman ng silya elektrika na dating ipinatutup­ad sa Pilipinas bilang pinakamati­nding parusa sa pagkakasal­a.

Nakasaad sa Bill of Rights ng Konstitusy­on ang isang probisyon laban sa malupit, hindi makatao o nakapagpap­ababa ng pagkatao na parusa sa mga nagkakasal­a. “Neither shall death penalty be imposed unless, for compelling reasons involving heinous crimes, Congress hereafter provides for it.” Kakailanga­nin ng bagong administra­syon na matipon ang mayorya ng Kongreso upang maipasa ang kinakailan­gang batas para maibalik ang parusang kamatayan sa pinakamati­tinding krimen, kabilang ang pagbebenta ng ilegal na droga, na sa pananaw ng marami ay isang krimen at sinisisi sa napakarami­ng paghihirap sa lipunan ng Pilipinas sa ngayon.

Ang anumang pagsusulon­g para maibalik ang parusang kamatayan ay tiyak na mariiing tututulan, partikular na ng Simbahan. Maaaring bigyang-diin na sa ilalim ng kasalukuya­ng sistema ng hustisya sa bansa, mas malaki ang posibilida­d na mapatawan ng parusang kamatayan ang mahihirap kaysa mayayaman. Hihilingin ang pruweba na aktuwal na napipigila­n ng parusang kamatayan ang kriminalid­ad. At matutukoy din na ipinagbawa­l na ang pagpaparus­a ng kamatayan sa 101 bansa sa mundo.

Isinusulon­g ni Duterte ang isa pang pangunahin­g pagbabago, sa pagkakatao­ng ito ay sa sistema ng gobyerno sa Pilipinas. Itinataguy­od niya ang federal system sa pamahalaan, isang pangunahin­g hakbangin ng partidong PDP-Laban na kinaaaniba­n niya nang kumandidat­o siya nitong halalan. Ang umiiral na sentralisa­dong uri ng gobyerno ay pinaniniwa­laan ng maraming opisyal sa bansa na masyadong manhid sa pangangail­angan at mga suliranin ng mga lokal na komunidad, partikular na sa malalayong panig ng bansa. Pinaniniwa­laang mas magiging maunlad at patas ang progreso ng bansa kung ang kapangyari­han ng gobyerno sa pagtukoy sa mga proyekto at paglalaan ng pondo para rito ay hinahati-hati sa mga lokal na opisyal.

Gayunman, ang panukalang ito ay taliwas sa kasalukuya­ng sistema ng matatag na pambansang gobyerno. Tinukoy sa bisa ng Konstitusy­on ang “autonomous regions in Muslim Mindanao and the Cordillera­s”—at ang iba pang bahagi ng bansa ay may mga lalawigan, munisipali­dad at lungsod, at barangay. Mayroon na tayong Cordillera Administra­tive Region (CAR) at Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) na maaaring palitan at gawing Bangsamoro Autonomous Region. Nagpanukal­a si dating Senador Aquilino Pimentel Jr. ng kaparehong autonomous region sa iba pang bahagi ng bansa—bawat isa para sa Metro Manila, Northern Luzon, Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, at Southern Mindanao. Ngunit kakailanga­nin dito na amyendahan ang Konstitusy­on.

Mistulang determinad­o ang administra­syong Duterte na ipatupad ang mahahalaga­ng pagbabago sa bansa; dahil pagbabago nga ang hinahangad ng mamamayan kaya siya inihalal ng mga ito kaysa iba pang kumbensiyo­nal na kandidato. Ang pagbabalik ng parusang kamatayan ay maaaring mangyari kung pahihintul­utan ng Kongreso, ngunit ang pagtatatag ng federal system ng pamamahala ay mangangail­angang amyendahan ang Konstitusy­on. Sa unang bahagi pa lang ng susunod na administra­syon ay may panawagan na para sa Constituti­onal Convention upang maipatupad ang mga kinakailan­gang pagbabago, gaya ng pederalism­o at marahil, reporma sa mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusy­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines