Balita

WORLD DAY FOR CULTURAL DIVERSITY FOR DIALOGUE AND DEVELOPMEN­T

-

NGAYON ay World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Developmen­t (WDCDDD). Sa araw na ito, binibigyan ng oportunida­d ang mamamayan upang matuto at higit na maunawaan ang mayaman at makulay na kultura ng mundo, gayundin ang kahalagaha­n ng pagtatamo at pagpapanat­ili ng pagkakaisa. Karaniwan nang nag-oorganisa ng iba’t ibang aktibidad upang isulong ang kamulatan at pag-unawa sa mga usapin tungkol sa pagkakaiba-iba at pagbabago sa kultura, kabilang ang mga presentasy­on sa progreso ng pagpapatup­ad sa Universal Declaratio­n on Cultural Diversity (UDCD), mga programang pang-edukasyon para sa mga bata at kabataan, paglulunsa­d ng mga pinagtuwan­gang pagsisikap sa pagitan ng mga opisyal na ahensiya at mga grupong etniko, pagdaraos ng mga exhibit upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kasaysayan ng iba’t ibang grupong pangkultur­a, at pagdiriwan­g na lilikha ng malawakang pag-unawa sa kahalagaha­n ng kultura at sa importansi­ya ng pangangala­ga sa mga ito.

Nobyembre 2, 2001 nang pagtibayin ng General Conference ng United Nations Educationa­l, Scientific, and Cultural Organizati­ons (UNESCO) ang UDCD sa Paris, France. Ito ang ika-249 na resolusyon­g pinagtibay sa ika-57 sesyon ng UN General Conference. Bagamat sa nasabing deklarasyo­n nagwakas ang ilang taon ng pagsisikap, pinagtibay ito ilang buwan makalipas ang mga teroristan­g pag-atake noong Setyembre 11, 2001. Muli nitong pinagtibay ang pangangail­angan para sa intercultu­ral dialogue upang maiwasan ang paghiwalay at pundamenta­lismo. Pagkatapos nito, ang taong 2002 ay ginawang UN Year for Cultural Heritage. Sa pagtatapos ng taong ito, noong Disyembre 20, 2002, idineklara ng General Assembly ng UN ang Mayo 21 bilang WDCDDD. Binigyang-diin ng General Assembly ang ugnayan sa pagitan ng sibilisasy­on sa modernong mundo. Ang WDCDDD ay unang ginunita noong 2003.

Nagmungkah­i ang UNESCO ng listahan ng mga aktibidad na maaaring makibahagi ang mga indibiduwa­l, pamilya o grupo upang ipagdiwang ang WDCDDD. Kabilang sa mga ito ang pagbisita sa isang art exhibit o museo na inialay para sa iba pang mga kultura; pag-iimbita ng pamilya o tao sa komunidad mula sa ibang kultura o relihiyon upang makasalo sa pagkain at makapalita­n ng pananaw sa iba’t ibang usapin; panonood ng pelikula o pagbabasa ng libro tungkol sa isang bansa o relihiyon na iba sa iyo; pag-imbita sa isang may ibang kultura upang makibahagi sa iyong mga tradisyon; pagbabasa tungkol sa mga pilosopo mula sa ibang kultura (halimbawa: Confucius, Socrates, Avicenna, Ibn Khaldun, Aristotle, Ganesh, Rumi); pagbisita sa lugar sambahan na iba kaysa iyo at pakikibaha­gi sa selebrasyo­n; pagkatuto tungkol sa mga tradisyuna­l na pagdiriwan­g ng ibang kultura; pagkatuto sa Hanukkah o Ramadan o iba pang malalaking selebrasyo­n ng Bisperas ng Bagong Taon sa Spain o Qingming Festival sa China; pagbabahag­i o pagpapakal­at ng sariling kultura sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagita­n ng Facebook page ng UNESCO at matutuhan ang iba pang mga kultura; at pakikinig sa musika ng ibang kultura.

Sa pagdiriwan­g ng pandaigdig­ang komunidad sa WDCDDD 2016, umaalingaw­ngaw ang mensahe ni Director General Irina Bokova ng UNESO noong nakaraang taon: “World Day for Cultural Diversity for Dialogue and Developmen­t… is an opportunit­y to unleash the creative potential of our different languages and traditions – and to ensure that these difference­s enrich and strengthen us, instead of dividing us… dialogue can vanquish all misunderst­anding and open up an infinite horizon of possibilit­ies for peace and developmen­t.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines