Balita

MGA PUSAKAL NA KRIMINAL, IBIBIGTI

- Clemen Bautista

ISA sa mga mahalagang pahayag ni President-elect Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang balak niyang ibalik sa bansa ang death penalty at ito’y sa pamamagita­n ng pagbigti sa mga pusakal na kriminal. Nais din ni Duterte na bigyan ng shoot to kill order o patayin ng mga military forces ang mga pinaghihin­alaang kriminal. Sa pamamagita­n ng mga nabanggit, naniniwala si Duterte na maaaring sumunod na sa batas ang mga mamamayan.

May iba’t ibang reaksiyon ang ating mga kababayan sa planong ibalik ang death penalty. Marami ang napa-look sa sky. May natuwa, lalo na ang mga kamag-anak ng mga naging biktima ng mga karumal-dumal na krimen. Napapanaho­n upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima. Ang mga madasalin ay biglang nag-sign of the cross. Napa-Dios por santo. May nagsabi naman na hindi ito makatao. Ang kriminal daw ay magiging parang aso na bago katayin ay binibigti muna ng mga lasenggo upang gawin nilang pulutan sa inuman.

Maging ang Commission on Human Rights (CHR) ay kontra sa plano ni Duterte na ibalik ang nasabing parusa. Ayon kay CHR chairman Chito Gaston, aantabayan­an nila sa Kongreso ang deliberasy­on ng death penalty. Ang CHR ay magbibigay ng kanilang posisyon. Naninindig­an ang CHR na ang death penalty ay labag sa dignidad ng tao at karapatang pantao. Tutol ang CHR sa death penalty dahil sa mahinang justice system sa Pilipinas. Maraming butas ang sistema ng katarungan sa bansa. Ang madalas na resulta, ang napapatawa­n ng parusa ay walang kasalanan.

Hindi rin sang-ayon na ibalik ang death penalty ang Bishops Conference of the Philippine­s (CBCP) sa balak ni Duterte. Sa halip na buhayin ang capital punishment, iginiit ng CBCP na ayusin na lamang ng gobyerno ang sistema ng hustisya sa bansa upang hindi lamang ang nakaaangat sa buhay ang nakikinaba­ng sa batas. Sa paniwala naman ni Maribel Bishop Dinualdo Gutierrez, tutol siya sa death penalty sapagkat ang buhay ay pag-aari ng Diyos, kaya tanging Diyos lamang ang may karapatang kunin o bawiin ang buhay ng isang nilalang. Sinabi pa ni Bishop Gutierrez mas mainam na ipaalala ng spiritual adviser ni Duterte na si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na sagrado ang buhay. Ayon naman kay Sen. Tito Sotto, matagal na niyang isinusulon­g ang death penalty sa Senado lalo na sa mga sangkot sa droga at drug traffickin­g at iba pang krimen. Bukod dito, bukas ang Senado sa debate sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Ang death penalty ay pinaiiral na sa bansa sa panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang nahatulan ng kamatayan ay binibitay o pinauupo sa silya elektrika.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines