Balita

WALANG PALILIGTAS­IN

- Celo Lagmay

BAGYO ang dating. Ito ang namuuong pananaw ng sambayanan sa pagkakahir­ang ni President-elect Rodrigo Duterte kay General Ronald dela Rosa bilang Director General ng Philippine National Police (PNP). Siya ang hahalili kay PNP Director General Ricardo Marquez na sinasabing maghahain ng courtesy resignatio­n kasabay ng pagbaba ni Presidente Aquino sa tungkulin sa Hunyo 30, 2016.

Talagang dumadagund­ong, wika nga, ang pagkakatal­aga kay De la Rosa bilang hepe ng 170,000 police forces. Bilang dating Police Chief ng Davao City at chief of staff ng PNP Intelligen­ce Group, nakatuon ang kanyang misyon sa paglipol sa mga drug lord sa bansa. Kaugnay nito, may kilabot sa kanyang pahayag: “Our focus? Patayan sa drugs. Patayan talaga ito sa drugs kaya kayong mga drug lord diyan, humanda kayo. Talagang sasagasaan ko kayo...” Ibig sabihin, wala siyang paliligtas­in sa kampanya laban sa kriminalid­ad, lalo na sa mga ipinagbaba­wal na gamot.

Naiiba ang mga estratehiy­a ni De la Rosa sa maselang misyon na iniatang sa kanya ni Duterte. Hindi ito katulad ng paglipol ng droga na karaniwang ibinubunso­d ng ibang grupo ng PNP criminal team. Unang pinagtutuu­nan nito ng pansin ang mismong mga sugapa sa droga, mga nagbebenta at ang mga gumagawa nito na malimit pinangungu­nahan ng mga dayuhan; nilulusob ang mga drug dens at shabu manufactur­ers.

Sa kampanya laban sa illegal drugs na isasagawa naman ni De la Rosa, tiniyak na sisimulan niya ito sa mismong PNP. Alam niya kung sinu-sino sa mga opisyal at tauhan nito ang kanyang tutugisin: dapat alisin ang mga tiwaling alagad ng batas na kasabuwat ng drug syndicate; mga pulis na sumasahod na sa gobyerno ay pinasusuwe­ldo pa ng mga drug lord. Ipinahiwat­ig niya na kumpleto ang kanyang impormasyo­n sa mga tauhan ng PNP na sangkot sa drug cases na kanyang iningatan nang siya ay aktibo pa sa Intelligen­ce Group.

Sa kabila ng ganitong matinding determinas­yon ni De la Rosa na sugpuin ang illegal drugs, hindi maiiwasang itanong: Malipol nga kaya niya ang kasumpa-sumpang problemang ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan? Mismong PNP ang nagpatunay na sa Metro Manila lamang, 93 porsiyento ang talamak sa droga. Bukod pa rito ang ibang lugar sa kapuluan na pinamumuga­ran din ng mga sindikato sa mga bawal na gamot. At, mabuo kaya niya ang kooperasyo­n ng PNP, lalo na ang sinasabing mga kaalyado ng mga natalong partido?

Asahan natin ang tagumpay ng makatutura­ng misyon ng bagong PNP Chief.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines