Balita

NANGALDAG!

Cavs, angat sa Raptors; sumirit sa 10-0 marka sa playoff series

-

CLEVELAND (AP) — Nakadama ng takot ang home crowd sa masiglang simula ng Toronto Raptors, ngunit panandalia­n lamang ang pangamba nang magsimulan­g tumaas ang sigla ni Le Bron James at ng Cleveland Cavaliers.

Hataw si James sa natipang tripledoub­le – 23 puntos, 11 rebound at 11 assist – para sandigan ang Cavaliers sa dominanten­g 108-89 panalo para sa 2-0 abante sa Eastern Conference best-ofseven finals nitong Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).

Bunsod ng panalo, tinanghal ang Cavs na ikaapat na koponan sa kasaysayan ng NBA na kumana ng 10-0 marka sa playoff tulad ng Los Angeles Lakers (1989, 2001) at San Antonio Spurs (2012). Tanging ang 2001 Lakers ang naging kampeon.

Target ng Cavaliers na makabalik sa NBA Finals sa ikalawang sunod na season. At dalawang laro na lamang ang layo nila para maisakatup­aran ang layunin.

Gaganapin ang Game 3 sa Toronto, sa Linggo (Lunes sa Manila), gayundin ang Game 4 sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 26 na puntos, habang tumipa si Kevin Love ng 19 na puntos para sa Cleveland.

Taliwas sa kanilang laro sa Game 1 kung saan tinambakan sila ng 31 puntos, matikas na nakihamok ang Raptors sa first half, ngunit, hindi nagtagal ang kanilang paglaban nang atakihin sila nang mas matikas na Cavaliers.

“We play offense, we play defense and we’re great at special teams as well,” ayon kay James.

Ratsada si De Mar De Rozan sa nakubrang 22 puntos, ngunit malamig ang opensa ng kapwa niya All-Star guard na si Kyle Lowry na nalimitaha­n sa 10 puntos mula sa 8 of 28 shooting sa field.

Nahigitan ni James si hall-offamer Shaquille O’Neal sa ikaapat na puwesto para sa career postseason scoring list at naitala ang ika-15 triple double sa playoff.

“We don’t want to lose,” sambit ni James.

 ?? AP ?? KING JAMES! Naging magaan para sa Cleveland Cavaliers ang paggapi sa Toronto Raptors sa kanilang Eastern Conference Final duel dahil sa dominanten­g laro ni Le Bron James.
AP KING JAMES! Naging magaan para sa Cleveland Cavaliers ang paggapi sa Toronto Raptors sa kanilang Eastern Conference Final duel dahil sa dominanten­g laro ni Le Bron James.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines