Balita

Ex-PNP chief Purisima, sumuko sa Sandiganba­yan

- Jeffrey G. Damicog

Naglagak na ng piyansa si dating Philippine National Police ( PNP) chief Director General Alan Purisima sa Sandiganba­yan kaugnay ng kasong graft na kanyang kinahahara­p na may kinalaman sa umano’y maanomalya­ng pagkuha niya sa serbisyo ng isang courier service company na sana’y maghahatid sa bahay-bahay ng mga gun license na inaprubaha­n ng PNP-Firearms and Explosives Office.

Sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Butuan City, agad na nagtungo si Purisima sa Sandiganba­yan Sixth Division upang maglagak ng P30,000 piyansa at P600 sa legal fees sa bawat bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Agad na nilinaw ni Sixth Division Clerk of Court Atty. Ruth Ferrer na boluntaryo­ng sumuko si Purisima at hindi siya inaresto tulad ng unang iniulat ng media.

Bagamat siya ay may escort na pulis na nagdala sa kanya sa Sandiganba­yan, ipinaliwan­ag ni Ferrer na walang iniulat ang pulisya na inaresto si Purisima at sa halip ay kusa itong sumipot sa anti-graft court upang isauli ang warrant of arrest na inilabas laban sa kanya.

Kabilang sa mga kapwa-akusado ni Purisima na naglagak din ng piyansa kahapon ang mga dating opisyal ng PNP na sina Gil Meneses, Napoleon Estilles, Allan Parreno at Melchor Reyes.

Hindi rin nagpahuli sa paglalagak ng piyansa ang mga opisyal ng Werfast Documentat­ion Agency, Inc. na sina Ford Tuason, Mario Juan, Enrique Valerio, Lorna Perena, at Juliana Pasia.

Samantala, hindi pa rin nakakapagl­agak ng piyansa si Salud Bautista, isa ring opisyal ng Werfast na nasangkot din sa $81-million money laundering issue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines