Balita

44th weeksary ng AlDub, sa Italy ipinagdiwa­ng

- Ni NORA CALDERON

MALUNGKOT ang AlDub Nation ( ADN) noong Thursday, 44th weeksary nina Alden

Richards at Divina ( Maine Mendoza). Noong Wednesday kasi, may fans na sumama ang loob nang mag- isa lang na pumunta ng Rome si Alden para sa courtesy call nila sa Philippine Embassy sa Holy See ng Vatican. Bakit daw iniwanan na naman niya si Maine. Maging ang paliwanag ng isa sa writers ng Eat Bulaga na si @Theiy na nag-shooting kasi sina Maine at Jasmine Curtis Smith, kaya hindi nakasama si Maine, ay hindi nila matanggap.

Nag- post din naman ang PA ni Alden na may kausap sa cellphone si Tisoy na nagtatanon­g daw kay Maine kung ano ang gustong pasalubong nito pagbalik niya sa Como, Italy.

Dahil nga hindi magkasabay ang oras natin at ang oras sa Italy, huli sila ng anim na oras, kung gising na tayo rito ay patulog pa lamang sila, kaya wala ring updates na lumabas sa Instagram accounts ng fans doon, maliban sa mga pagbati sa kanila ng ‘happy 44th weeksary.’

Sa kalysesery­e ng Eat Bulaga, wala ring special celebratio­n, ipinakita lang ni Lola Nidora ( Wally

Bayola) at ni Lola Tinidora ( Jose Manalo) ang nakadikit na pictures sa wall ng living room nila, nina Alden at Divina kung paano raw nagsimula ang dalawa at ngayon ay malayo na ang narating at nasa Italy na at nagsu-shooting ng movie.

Samantala, tinupad ni Divina ang pangakong magpapadal­a siya ng video na kuha sa magandang room ng hotel na tinitiraha­n nila. Walang binanggit si Divina tungkol sa weeksary nila ni Alden. Tapos nang ipakita ang video nang mapansin ni Lola Nids na wala si Alden sa video, baka raw magkasama sa room ang dalawa at hindi raw puwede iyon.

Sa Italy, hanggang humapon na ay wala pa ring updates tungkol kina Maine at Alden, maliban sa Instagram post ng actor na “Happy 44th weeksary @mainedcm at may emoticon ng rose. Sumaya na ang ADN dahil hindi raw Divina kundi Maine ang greetings ni Alden. Hapon na nang may nai-post na isang place sa tabi ng Lake Como with the caption na ‘dito sila nag-date.’ At ilang oras pa bago lumabas sa IG ang picture nina Alden at Maine na magkasama, with matching big pink rose at pareho silang may hawak na wine glass, at tila selfie ito ni Alden na ibinahagi niya sa ADN.

Palagay namin, tinapos muna nina Maine at Alden ang shooting nila at binigyan sila ni Direk Mike Tuviera ng chance to celebrate their 44th weeksary sa Italy. Saka lang nabuhayan ng loob ang ADN kaya team puyaters na naman sila na hindi maka-get over sa updates na natanggap nila.

Hindi nakatiis na mag-comment ang admin ng @officialal­dub16 ng, “Hindi ko maiwasang hindi mag- comment dito sa pic na ito. Ramdam na ramdam ko ang pag-ibig na bumabalot sa litratong ito. Ang ngiti ni @aldenricha­rds02 na natural na natural at simpleng ngiti ni @mainedcm... Sana ay alagaan pa ninyo ang isa’t isa. Kung may tampuhan ay huwag patatagali­n para hindi ito lumaki pa lalo. Ang buong pamilya ng @officialal­dub16 at ang buong ADN ay laging nandito lamang para sa inyong dalawa. Mahal na mahal namin kayo, Alden and Meng.”

Sabi naman ni Joey de Leon sa EB noong Thursday, walong weeksary na lamang to the first anniversar­y nina Alden at Maine sa July 16.

 ??  ?? Maine at Alden
Maine at Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines