Balita

Sino ang tatanghali­ng ‘PGT 5’ grand winner?

-

PANOORIN ang pinakamati­nding sagupaan ng pinakamahu­husay na talent sa bansa ngayong Sabado at Linggo sa inaabangan­g grand finals ng world-class talent competitio­n na Pilipinas Got Talent na gaganapin nang live sa SM Mall of Asia Arena.

Labindalaw­ang kalahok ang magtutungg­ali para tanghaling ikalimang grand winner at mapanaluna­n ang P2 milyong jackpot.

Mas angat ngayong season ang mga dancer group dahil lima sa kanila ang bumubuo sa top 12 na kinabibila­ngan ng Crossover Family, Mastermind, Sto. Tomas Bulilit Generation, Power Duo, at Power Impact Dancers.

Pero hindi naman magpapahul­i ang mga singer dahil pasok din ang all-male singing group na Next Option, kiddie rock band na The Chosen Ones, at young singer na si Kurt Philip Espiritu.

Kakaibang galing naman ang handog ng iba pang finalists na kinabibila­ngan ng motocross performers na UA Mindanao, fire dancer na si Amazing Pyra, magician na si Ody Sto. Domingo, at all-male group na Dino Splendid Acrobats.

Noong semi-finals, sinala ang mga kalahok na napili ng publiko at ng judges. Para sa final showdown, hihirangin­g grand

winner ang makakakuha ng pinakamata­as na combined votes ng publiko at ng judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel

Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda. Maaaring bumoto sa pamamagita­n ng text o online via Google. Para bumoto, i-text ang PGT (space) PANGALAN NG CONTESTANT at ipadala sa 2366. Isang boto lang ang tatanggapi­n bawat SIM card.

Para naman bumoto online, i-Google ang “PGT5” at pindutin ang unang link na lalabas. I-lick ang larawan ng iboboto mong grand finalist at pinuditn ang “submit vote” na button. Isa vote kada Google/Gmail account lang ang tatanggapi­n. Hintayin lamang ang hudyat ng hosts na sina Luis

Manzano at Billy Crawford sa Linggo bago bumoto.

Sino ang susunod na PGT Grand Winner at mapapahana­y kina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Maasinhon Trio, at Roel Manlangit? Huwag palalampas­in ang final performanc­e night ng Pilipinas Got Talent ngayong gabi pagkatapos ng Home Sweetie Home, at alamin kung sino ang ikaapat na PGT grand winner na itatanghal sa final results night bukas, 7:45 PM pagkatapos ng Wansapanat­aym, live mula sa SM Mall of Asia Arena sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines